^

Na-in love sa kinaiinisan

(Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sabi nila kung sino raw ang kinaiinisan mo ay siyang mapapangasawa mo. Ayaw kong maniwala dahil hindi ko inisip na mangyayari sa akin ang mga katagang iyan.

Hanggang may isang nanligaw sa akin. Bago lang kami sa trabaho, ako ‘yung dispatcher at siya ang delivery driver.

Medyo maangas ang lalaking ito. Kung utusan ako kapag may ide-deliver na siya parang siya ang amo ko.

Nakakainis! Sa araw-araw, maaga siyang pumasok. Siya agad ang nakiktia ko at nagpapaasikaso sa akin.

Panay biro at lagi niya akong sinasabihan na kapag naging kami na raw ay titigil na ako sa paghahapbuhay at siya na raw ang bahala sa akin.

Sobrang kulit at sobrang presko.

Ilang buwan din akong nagtiis sa kumpanyang iyon. Lumipat ako sa ibang kumpanya sa pag-aakalang makakaiwas na ako sa kanya.

Ilang linggo lang, nagkita kami uli sa bagong kumpanyang pinaglipatan ko.

Nagbilin pa siya na huwag ko siyang siraan sa bagong boss namin. Ang kapal talaga ng mukha. Pero medyo naghinay-hinay siya at tumugil sa pangungulit.

Akala ko tumigil na siya at natauhan. Sinabihan ko siya na hindi pa ako handa sa mga balak niya.

Hanggang sa na-ging magkasundo kami nang maging top team performance ng aming team. Nagkaroon ng celebration, inuman at lalo ka-ming ginanahan nang makatanggap kami ng bonus sales check.

Hayun na pa at napa-oo na ako. Kaya heto, apat na buwan na akong buntis. Hindi namin alam ang ipapangalan sa anak na naming, kung Grab o Lala.

Maraming Salamat po.

Charielyn

Dear Charielyn,

Sabi nga sa haba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Isa itong patunay na kung masigasig ang isang tao ay may patutunguhan.

Ang mainam, nagkasundo kayo at naipakita niya na tunay ka niyang mahal.

Kaya mainam din na huwag masyadong mangungulit ang mga lalaking nanliligaw. Mas mainam ang kaibiganin o kaya tulu-ngan ang iyong iniirog na magkaroon ng tiwala ang babae sa’yo. Tulad nga ng nangyari sa ating letter sender ngayon.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with