^

Minsan lang nasaktan

(Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Limang taon na kaming nagsasama ng aking mister at sa loob ng mga panahong ‘yun ay wala akong maipintas sa kanya. Mabait at uliran siyang asawa.

Mayroon na kaming dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Ang bunso ay isang taon gulang na at tatlong taon naman ang aming panganay.

Tawagin mo na lang akong Susana, 27 anyos. Pero may nabalitaan ako sa isang kaibigan ko na may kinalolokohang babae ang aking asawa. Wala naman akong nakikita sa ikinikilos ng mister ko na siya ay nagtataksil. Lagi siyang maagang umuwi galing sa trabaho. Sa kabila nito ay hindi ko maunawaan ang sarili ko dahil nakatanim sa dibdib ko ang matinding panibugho.

Noong una ay kinimkim ko ito pero hindi ko na matiis kaya inaway ko siya. Pilit ko siyang pinagtatapat kung totoo ang nabalitaan ko. Tumatanggi siya pero ayaw ko siyang paniwalaan. Hindi ako makatulog at hanggang kinabukasan ay inaaway ko pa rin siya.

Doon nag-init ang ulo niya at sinampal ako ng malakas. Sa unang pagkakataon ay sinaktan niya ako at hindi ko mapigilang umiyak. Isang buwan na kaming hindi nag-uusap.

Napagtanto ko na kalokohan ang ginagawa kong pagseselos dahil wala akong katibayan. Gusto kong magkasundo kami uli. Ano ang gagawin ko?

Susana

Dear Susana,

Kung maagang umuuwi ang mister mo at hindi nagkukulang sa iniintrega niyang sweldo, aba eh, swerte mo at nakatagpo ka ng napakaulirang mister. Talagang kabaliwan ang pagseselos mo. Nakatikim ka tuloy ng sampal.

Kasalanan mo kaya magpakumbaba ka. Alisin mo ang pride na bitbit mo at lapitan mo siya at humingi ng tawad sa iyong pagkakamali. Kung sino man ang nagbalita sa iyo na nagtataksil ang mister mo ay isang tsismosang matabil ang dila.

Huwag mong ha-yaang wasakin ng tsismis ang maganda mong relasyon sa iyong asawa.

Baka sa kakase-los mo na wala sa hulog ay mapilitan ang iyong ulirang asawa na pagtaksilan ka dahil sa pagkaasar sa kakulitan mo.

Dr. Love

 

 

 

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with