^

Nakarma ng planong prank

(Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Maikwento ko lang kung paano kami nag-break ng unang gf ko. Nag-set ako ng date pero gusto kong lang siya i-prank. Bago pa kami magkita, sinabihan ko ang kanyang best friend na gayahin namin ang napanood ko sa fb na magho-holding hands din kami ng pasimple habang kumakain kami sa isang fast food, wala pang lockdown noon.

Noong una ayaw ng best friend niyang pumayag kasi nga delikado baka magkagalit- galit kami tulad din ng nangyari sa fb. Pinakiusapan ko siyang mabuti at nangako na ililibre ko siya kapag natapos namin ang aking balak.

Gusto ko lang malaman kung ano ang magi-ging reaksyon niya sa mga ganitong sitwasyon.

Kaya tuloy ang balak. Ang hindi ko alam, nag-usap din pala sila kaya wala akong kalam-alam ng ako pala ang mapapahiya.

Nang kumakain na kami may biglang dumating na isang lalaki tapos hinalikan ang gf ko. Ako ang nagulat, wala sa plano. Biglang nagyabang ‘yung lalaki at dati raw siyang boyfriend ng gf ko.

Hindi ko nagustuhan ang angas niya. Kaya napikon ako at hindi ako nakapagtimpi.

Sa inis ko, nasabi ko na ako ang magpa-prank at hindi dapat ako ang mabibiktima. Wala silang kibo. Kaya umalis ako sa kahihiyan. Simula noon, nawalan ako ng gana sa gf ko.

Pilit nila akong kinukumbinsi na prank lang ang lahat pero hindi ko matanggap ang pangyayaring iyon. Kitang kita ko kung paano siya hinalikan sa labi ng lalaking iyon.

Pinsan daw niya ang lalaking iyon pero hindi na ako naniwala. At ayaw ko nang makipag-usap sa kanila sa magkahalong galit at panghihinayang.

Malaki ang naging epekto nito sa akin kaya hanggang nga-yon wala pa rin akong bagong gf.

Bitter Guy

Dear Bitter Guy,

Maging aral na sa iyo ito. May mga sumulat na sa akin na nagkahiwalay, nasira ang relasyon dahil sa prank o walang kwentang biro.

Ngayon naramdaman mo ang sakit kung paano ka mabiktima ng prank. Natutuwa ka na planuhan ng hindi maganda ang gf mo, hindi mo naisip na pwede rin niyang gawin ito sa iyo. So, ano ang napala mo?

Kaya hindi lang sa ating letter sender ngayon, kundi sa lahat ng mga nagbabalak na mag-prank ng kanilang mahal sa buhay. Pag-isipan muna ninyong mabuti kung tama ang inyong gagawin bago pa ninyo ituloy ang inyong balak.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with