^

FB love affair

(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Amina, 19 anyos at ang hilig ko talaga ay mag-post sa social media lalo na sa FaceBook. Sa FB may lalaki akong nakilala. Siya si Edsel, kasing-edad ko.

Na-attract ako sa kanya dahil magaling magsulat. Naging close friends kami kahit hindi pa kami nagkikita, hanggang mag-propose siya sa akin. Dahil may gusto naman ako talaga sa kanya ay sinagot ko siya. May three years na kaming may relasyon.

Kaso, hindi nangyayari ang plano naming mag-eyeball dahil mahigpit pa ang pagbaba-wal sa paglabas-labas ng bahay sa panahong may pandemic. Isa pa, wala namang lugar na pwedeng pasyalan sa mga panahong ito.

Dahil dito, kahit sa video chat ay nagagawa naming iraos ang pagmamahalan namin sa isa’t isa.  Nakita na niya ang buo kong pagkatao at ganun din ako sa kanya sa pamamagitan ng video chat.

Dalawang beses nangyari ‘yun at bigla akong kinabahan. Kasi naalala ko ang mga kababaihang bina-blackmail dahil sa mga sex videos ng mga nakarelasyon nila.  Paano kung mangyayari sa akin ‘yun?

Pagpayuhan mo po ako.

Amina

Dear Amina,

Hangga’t hindi nangyayari ang iniisip mong pamba-blackmail, talagang magwo-worry  ang isip mo sa pangambang baka maganap ito balang araw. Hindi ka matatahimik. Sana, naiisip mo na ang posibilidad na iyan bago ka pumayag makipag-video sex.

Anong magagawa mo kung mangyayari ang ganyan? Harapin mo ang katotohanan na mahaharap ka sa eskandalo kung hindi mo mapagbibigyan ang gusto ng FB boyfriend mo kapalit ng hindi niya paglalantad ng video.

Pero kung mangyayari, ang pinakamainam na magagawa mo ay idemanda mo ang iyong FB boyfriend dahil ang ganyan ay isang uri ng cyber crime na ngayo’y pinapatawan na ng mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

Kasabay diyan, hindi maiiwasang mabilad ka sa kahihiyan. Ngunit talagang ang maling gawain ay may kapalit na masamang bunga na dapat mong tanggapin.

Samantala, ipagdasal mong huwag sanang magkaisip ng ganyan ang FB boyfriend mo at huwag mo nang uulitin pa ang pakikipag-video sex.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with