^

Dr. Love

Pinaglayo ng pandemic

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Bago po nagkaroon ng pandemia mahigit isang taon na ang nakararaan, ako po ay lumuwas mula sa Cagayan patungong Maynila para maghanap ng trabaho. Naiwan ko sa probinsya ang aking asawa at dalawang anak.

Sa kasamaang palad, hindi ako nakikita ng trabaho dahil biglang nagdeklara ng lockdown nang sumulpot ang pandemya. Hindi na rin ako nakauwi ng probinya.

Nanunuluyan lamang ako dito sa Maynila sa bahay ng isang pinsan sa Navotas. Nahihiya na nga ako dahil masyado na akong pabigat sa pamilyang tinutuluyan ko.

Nang matapos ang ilang buwan at nagluwag ng kaunti, pwede na sana akong umuwi pero nang magpa-swab test ako ay naging positive ako bagamat asymptomatic.

Hanggang ngayon ay nagkakausap lang kami ng misis ko sa pamamagitan ng video call. May katagalan na rin kaming magkahiwalay at para mabuhay, nagtitinda ako ngayon ng mga prutas sa tulong ng isang kaanak dito sa Maynila na nagpautang sa akin ng puhunan.

Ano ang dapat kong gawin?

Morris

Dear Morris,

Medyo nagluwag na naman ang qua-rantine protocols sa Metro Manila at sa sandaling may available transportation na patungo sa iyong lalawigan ay maaari ka nang magbalik muli sa Cagayan para makita ang iyong pamil-ya.

Ingatan mo lang ang sarili mo na huwag magkaroon ng reinfection para hindi ka na muling mag-positive sa swab test.

Nasa panahon tayo ng krisis nga-yon at wala tayong magagawa kung iniipit tayo ng ganitong kalagayan. Ang tanging magagawa natin ay magtiis ng kaunti at manala-ngin na manumbalik na sa normal ang situwasyon.

Pasalamat tayo at sa moderno na-ting panahon, kahit sa social media ay pwede nating makaugnay ang ating mga mahal sa buhay kahit malayo sila sa atin.

Dr. Love

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with