^

Dr. Love

Virgin ang gusto

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kahit sabihin pa na modern na ang panahon ngayon, isinilang ako sa isang konserbatibo at relihiyosong pamilya. Palaging sinasabi sa akin ng aking yumaong lola na kung mag-aasawa ako ay tiyakin ko na ang babaeng mapapa-ngasawa ko ay donselya.

Wala akong masyadong naging girlfriends. Siguro mga tatlo lang bago ko napangasawa ang misis ko. Pinili ko siya dahil mahinhin at hindi katulad ng iba na liberated. Anak siya ng isang ordinaryong mag-asawa.

Dahil sa kulturang nakagisnan ko, kung kaya walang akong karanasan sa babae bago ako nakapag-asawa. Kaya nangangamba ako, dahil sa unang gabi naming mag-asawa, hindi siya nagdugo.

Narinig ko kasi sa mga matatanda na ang babaeng virgin ay nagdudugo sa unang pagtatalik.

Noong una ay nangingimi akong tanungin siya. Pero nagawa ko ring magtanong kalaunan, kung ako ang unang lalaking nakagalaw sa kanya.

Ang sabi niya ay ako lang talaga at wala nang iba. Twenty years old lang siya nang kami ay magpakasal.

Nang tanungin ko kung bakit hindi siya nagdugo, aniya, maaaring ito ay dahil siya ay isang atleta nung nag-aaral pa siya. Gusto kong maniwala.

Pero sa likod ng aking isip ay naroroon ang pagdududa.

Ano ang gagawin ko para mawala ito?

Herman

Dear Herman,

Hindi lahat ng virgin ay nagdudugo sa unang pakikipagtalik.

Minsan ‘yung mga ballet dancer o atleta gaya ng misis mo ay maaaring nasira na ang hymen dahil sa ginagawa nilang aktibidad.

Maaaring nagsasabi ng katotohanan ang misis mo kaya pawiin mo na ang pagdududa na hindi makabubuti sa inyong pagsasama.

Sa pag-aasawa, kailangan ang mutual trust sa panig ng lalaki at babae.

Ang mahalaga ay tapat kayo sa isa’t isa sa panahon ng inyong pagsasama at kung mayroon man kayong madilim na karanasan, makabubuting kalimutan na ito.

Sayang naman ang oras kung puro pagdududa ang mananaig sa’yong puso, sa halip na ma-enjoy mo ang bawat sandali sa iyong asawa.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with