^

Dr. Love

Mahal na agad?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinangangaralan ako ng aking mga magulang, pati na ng aking mga kaibigan dahil mahal ko na agad ang isang taong hindi ko pa masyadong kilala.

Last month ko pa lang nakilala si Herman. Isa siyang delivery crew ng kilalang fast food chain na naghatid sa akin ng inorder kong halo-halo. Sa unang pagkikita namin ay nginitian niya ako at nakipagkilala. Kinuha niya ang phone number ko at mula noon, madalas kaming nag-uusap sa chat.  Madalas din niya akong dinadalhan ng paborito kong halo-halo kahit hindi naman ako umo-order. Within two weeks, mag-on na kami.

Sa bahay lang niya ako pinupuntahan, hindi kami makapag-date dahil extended ang ECQ. Nang malaman ng mga parents ko na sinagot ko na si Herman, pinangaralan nila ako.

Kahit ang mga kaibigan ko ay pinagsasabihan ako na kilalanin ko muna siyang mabuti. Pero pareho talaga kaming in-love sa isa’t isa. Kapag binibisita niya ako ay pinag-uusapan na namin ang aming future.

16 years old na ako at siya ay 21 na. Sabi ng parents ko, maging magkaibigan na lang kami at huwag munang magkaroon ng relasyon. Kilalanin ko muna siya ng mabuti.

Tama ba ‘yun, eh mahal ko na siya agad.

Maria

Dear Maria,

Sundin mo ang sinasabi ng magulang mo, dahil para ‘yun sa iyong kapakanan. Kilalanin mo muna ng mabuti si Herman. 

Ang nararamdaman mo ay hindi love kundi attraction lang. Normal iyan, lalo na sa edad mo. Nga lang, hindi ibig sabihin nun ay ok lang na magtiwala ka agad sa kanya.

Kailangan mo pa rin ang paggabay ng iyong mga magulang dahil wala ka pa sa age of accountability.  Ang boyfriend mo ay nasa tamang gulang na. Alam mo ba na kung may mamagitan sa inyong dalawa, kahit pa gusto mo ay pwede siyang makulong sa kasong statutory rape dahil ikaw ay isang minor de edad?

Manatili kayong magkaibigan. Mabuti nga at bawal pang lumabas dahil kung hindi, baka kung saan na kayo napunta ng boyfriend mo. Sixteen ka pa lang at napakabata mo pa para malaman ang pagpasok sa reponsableng relasyon. Sa paglipas ng panahon ay pwedeng magbago ang nararamdaman at desisyon mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with