^

Dr. Love

Masisisi ba ako?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula sa pagkabata, ang pangarap ko ay maging isang ulirang asawa at ina. Modelo ko ang aking ina na naging tapat sa aking yumaong ama.

Tawagin mo na lang akong Rosalie, 26 anyos at may asawa. Maganda ang simula ng aming relasyon ng aking mister na si Rogel. Kahit may natapos ako sa college, minabuti ko na maging isang housewife.

Pinag-aralan ko ang lahat ng gawain ng isang mabuting asawa at pinagsilbihan ko ang aking kabiyak. Sa kasamang palad, hindi kami biniya-yaan ng anak.

Siguro ito ang dahilan kung bakit natutong mambabae ang asawa ko. Gusto niyang magkaanak kahit sa ibang babae. Pero minsan nang magpasuri kami sa doktor, lumabas na siya ang baog at hindi ako.

Sa kabila nito, itinuloy pa rin ni Rogel ang pambababae niya. Dahil dito’y nagrebelde ang aking kalooban. Kung kaya niyang mangaliwa, kaya ko rin. Sa yugtong ito nakilala ko si Bert at nagkaroon kami ng relasyon. Naging tampulan ako ng tsismis sa aming komunidad hanggang malaman ito ng asawa ko.

Pinagbuhatan niya ako ng kamay, pero tiniis ko dahil alam kong may kasalanan ako.  Sa dakong huli ay nagkasundo kaming mag-file ng annulment.

Nakipagkalas na rin ako sa karelasyon ko dahil napagtanto ko ang malaki kong kamalian. Naiisip ko rin na makabubuti kung bibigyan namin ni Rogel ang aming sarili ng tsansang magsimula muli.

Ano po ang dapat kong gawin?

Rosalie

Dear Rosalie,

Hindi pwedeng ituwid ng kamalian ng isa pang kamalian. Sa ginawa mo, nais mo lang makaganti sa kataksilan sa iyo ng iyong asawa. Saan mang anggulo tingnan, hindi mabibigyan ng katuwiran ang ginawa mo. Pareho kayong nagkasala ng iyong asawa.

Ngayon ay dumating na sa kasukdulan ang problema ninyong mag-asawa. Sana pinag-usapan muna ninyo nang mahinahon ang lahat at baka sakaling mareremedyuhan pa ang problema ninyo.

Kung ibig mong magkasundo kayo muli, pag-usapan ninyo ito nang masinsinan at magkasundong magiging tapat kayo sa isa’t isa. Pero kung hindi kayo magkakasundo, marahil mas makabubuti na talagang maghiwalay na kayo ng landas.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with