^

Ipinagpalit sa iba

(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko dahil basta na lang akong ipinagpalit sa iba ng girlfriend ko.

Sana sinabi na lang niya na hindi na niya ako mahal. Kasi umaasa pa rin akong kami pa pero hindi na pala. Nagulat na lang ako na iba na ang nasa cover photo niya. Iba na rin ang nasa profile niya.

Ginawa niya akong parang damit na kapag ayaw na ay basta na lang papalitan. Mabuti kung gaya lang ng damit ang feelings ko.

Para akong disenteng polo shirt na noong una ay gustung-gusto niyang bilhin. Pero ngayon, gaya na ako ng isang basahan. Wala na ang dating tingkad ng kulay.

Ang tingin ko ngayon sa kanya ay gaya ng isang lobo na dapat ko ng pakawalan, dahil gusto pa rin lumipad at abutin ang mga nais marating.

Pero tandaan mo ito, hindi sa lahat ng oras ay lumilipad ang lobo paitaas. Dahil kapag nawala na ang helium nito, tiyak na unti-unti ng baba at babagsak mula sa langit.

‘Yung lang po, nailabas ko na ang sama ng loob ko sa ex-gf ko. Kaya kapag nakakita ako uli ng lobo, hindi ko na bibilhin, sayang ang pera ko.

Ambe

Dear Ambe,

Magkano na ba lobo ngayon?  Talagang sobra ang galit mo sa ex-gf mo.

Nag-usap na ba kayo uli simula nang huli kayong nagkita?  Hindi magiging panatag ang loob mo kung hindi mo titigilan ang pag-iisip tungkol sa iyong nararamdaman. Try to focus to yourself atr sa ibang mga pwede mong pagkaabalahan.

Marami ka pang babae na makikilala at maaari ka ring makatagpo ng isa na tunay na magmamahal sa iyo. 

DR. LOVE

 

 

 

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with