^

Prank na naging totohanan

(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang Prince Toby. Nami-miss ko ang aking ex-girlfriend.  Nakakahiya man, gusto ko sanang makipag-ayos uli sa kanya.

Nag-prank lang ako, akala ko hindi niya papatulan. Pinag-meet ko sila ng pinsan ng tropa ko. Sa iisang kainan kami nagkita at parehong oras. Tineks ko silang dalawa. Alam ng girl ang balak ko at never pa silang magkakilala ng ex ko.

Mas maagang dumating ang ex ko. Bigla siyang nagulat nang dumating ang isa pang girl na nagbeso-beso pa sa akin. Nagulat din siya nang makita kami, ayon ito sa plano namin.

Nagkaroon ng diskusyon. Hindi na nga kami naka-order dahil ang ex ko ay nagagalit na at tumaas na ang boses.  Matindi ang sagutan nila at parang napunta na sa totohanan.

Sinampal siya ng gf ko at naiyak na siya, kaya umamin na ang pinsan ng tropa ko na isang prank lang iyon pero hindi ito nagustuhan ng ex ko.

Umalis siya at simula noon, hindi na kami nagkausap. Ayaw na niyang entertainin ang mga panunuyo ko sa kanya.

Natuloy ang kalokohan ko sa totohanan. Wala na kami at alam ko namang ako ang may kasalanan.

Isang taon na ang nakalipas, wala akong naging girlfriend after nang magkahiwalay kami. Talagang na apektuhan din ako. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, napunta sa wala ang relasyon namin. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Napakapatanga ko, bakit ko pa naisipang gawin iyon? Nadamay pa tuloy ang pinsan ng tropa ko.  Nagsisisi ako ngayon pero huli na.

Prince Toby

Dear Prince Toby,

Hayaan mo na ang nakaraan. Hindi mo na maibabalik ang dati ninyong relationship kung ganoon katindi ang galit sa iyo ng ex mo. Pero iparating mo pa rin sa kanya ang sincere mong paghingi ng tawad. Para maging malaya ka na sa iyong ginawang mali.

Hind natin alam ang magiging bunga ng isang biro o prank sa taong nasa paligid natin, lalo na ‘yung malapit sa ating puso. Una, hindi nila inaasahan na magagawa mo sa kanila ang ganoon kahit sabihin mong biro o prank lang.

Magsilbing aral na sa iyo ang pangyayariing iyan at huwag mo nang uulitin.

Kaysa magmukmok ka na lang ay pagsumikapan mong mag-focus kung ano ang priority mo ngayon at maging seryoso ka na sa buhay.

DR. LOVE

 

 

 

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with