_ngayon
^

Bantay salakay

(Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi ko maubus maisip na ang aking best friend mismo ang aagaw sa aking pinakamamahal na girlfriend.

Tawagin mo na lang akong Rico 24 anyos at isang government employee.  Si Noel ay best friend ko mula pagkabata dahil kapitbahay lang namin ang kanyang pamilya.

Lumaki kaming parang magkapatid.  Kasama ko si Noel kapag lumalabas kami ng girlfriend ko para kumain sa restaurant. Playboy si Noel at walang pirmihang syota. Very close rin siya sa girlfriend ko pero hindi ko naman binibigyan ng masamang kahulugan.

Hanggang minsan, noon nakaraang taon bago magkaroon ng pandemic, ipinadala ako ng aking opisina sa Japan para sa tatlong buwang short course. Ibinilin ko kay Rico na ingatan niya para sa akin ang girlfriend ko.

Ang masakit, pagbalik ko ay syota na ni Noel ang girlfriend ko. Kung hindi dahil sa pinagsamahan namin ay napatay ko na siya siguro.  Hanggang ngayon ay matindi ang galit ko kay Noel. Dapat pa ba akong makipagbati sa isang hudas na kagaya niya?

Rico

Dear Rico,

Siguro blessing in disguise ang nangyari. Dahil kay Noel ay nakita mo kung gaano karupok ang dati mong kasintahan na sa pagkawala mo ng tatlong buwan ay agad nagkaroon ng iba.

Pasalamat ka at hindi nangyari iyan sa panahong kasal na kayo. Mabuti na lang at hindi siya ang iyong napangasawa dahil kung ‘yun ang nangyari, isa kang pindeho ngayon.

Kalimutan mo na ang nangyari at marami ka pang mahahanap na matinong babae na magmamahal sa iyo ng totoo. Patawarin mo na rin ang best friend mo.

Dr. Love

 

 

 

 

 

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with