^

Dr. Love

Nawalan ng sigla

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lilia po ng QC. Ang problema ko, walang trabaho ang mister ko. Almost 12 years din siya bilang sales manager pero nang magkabawasan ng tao, kasama siya.

‘Yun ang kinagagalit sa akin ng parents ko, pagtrabahuhin ko raw ang mister ko. Naghanap naman po, pero mukhang pinanghinaan na siya ng loob.

Alam ko ang dinaranas niyang kalungkutan ngayon. Nadaragdagan pa ng mga patutsada ng parents ko. Gustuhin man namin bumukod, wala pa kaming kakayahan.

Nilulunok na lang ang pride at nakikiusap ako sa parents ko na sa halip na libakin ay tulungang makabangon ang mister ko.

Lilia

Dear Lilia,

Hindi pa naman huli ang lahat. Kung maalam naman kayo sa pagtitinda at sabi mo sales manager ang mister mo, bakit hindi ninyo subukang tumutok sa ganyang business? Sa una, syempre medyo mahirap kaya tiis-tiis lang.

Kailangan ka ng mister mo ngayon para maibalik ang dati niyang sigla. Pero huwag mong pwersahin. Hinay-hinay lang. Huwag kang susuko, may awa ang Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with