^

Karibal ang boss

(Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jeck-Jeck. Nagwo-work po ako sa call center. Binantaan ako ng boss ko na ‘pag tinuloy ko ang panliligaw sa kasamahan ko sa trabaho, malilipat ako ng department at parinig pa niya...pwede raw akong matanggal sa trabaho.

May gusto rin kasi siya sa girl. Ayaw niyang ipahalata sa amin. Pero lumalabas ang totoong feelings ng boss ko sa kanya.

Kung tutuusin, hindi na niya sakop kung gusto kong ligawan ang babaeng iyon.

Wala naman akong dapat itago sa babae, binata ako at dalaga naman siya. Ang problema ko, bakit nakikialam ang boss namin sa amin.

Gusto ko ngang isumbong siya sa kanyang asawa para tumigil. Muntik ko na nga siyang makasagutan dahil nagtawanan lang kami ng girl, ang akala niya pinagtatawanan namin siya.

Siya itong papansin sa girl, laging pinatatawag sa opis niya at panay ang utos. Meron naman siyang secretary. Pupunta pa sa area namin at magpapapansin.

Papa-xerox, minsan papatulong sa laptop niya kulang na nga lang i-request niyang ipagtimpla siya ng kape.

Gusto ko nga maabutan siya ng asawa niya habang nasa loob ng opis niya ang girl.

Hindi tuloy ako makadiskarte ng maayos. Paano po kaya ang mabuting gawin?

Jeck-Jeck

Dear Jeckjeck,

Maraming salamat sa sharing mo. Kumusta naman ang panliligaw mo bukod sa hinaharang ka ng boss mo?

Una, wala talagang karapatan ang boss mo sa panliligaw mo. Pero huwag mo gawin ang panliligaw sa oras ng trabaho. Baka naman kaya napapansin ka, dahil oras ng trabaho ay dumidiga ka. Iwasan mong makita ka niya na dumidikit-dikit sa girl kapag office hours. Para hindi ka niya mabutasan.

Ngayon sa reaksiyon niya at ginagawa niya sa girl, huwag mong masyadong pansinin. Ganon talaga ang mangyayari, magkakasagutan lang kayo kung may gusto nga siya sa girl. Hayaan mo lang siya.

Kausapin mo ang girl na kung pwedeng sa bahay mo siya ligawan o kaya mag-date kayo na kayo lang ang nakakaalam.

Huwag ka munang maging showy para manahimik din ang boss mo. Siyempre siya ang nasa posisyon at ang gusto niya ang dapat masunod. Kahit alam naman natin na hindi tama iyon, cool ka lang.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with