^

Magkaibang daigdig

(Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Matagal na ang kabanatang ito ng aking buhay, pero laging nananariwa sa aking gunita sa gulang kong 70 anyos. Ako ay nagtatrabaho noon sa isang media outfit ng gobyerno. Ang taon ay 1979.

Ipinadala ako ng ahensyang pinaglilingkuran ko sa The Netherlands para sa isang tatlung buwang kurso sa broadcasting. Doon ay nakasama ko ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang third world countries.

Doon ko nakilala si Kim, isang Koreana mula North Korea na alam nating isang bansang komunista at sarado sa ibang mga bansa. Una ay naging close friends kami.

Binata pa ako noon at talagang naghahanap ng babaeng magiging lifetime partner ko. Nagkaroon kami ng mutual understanding ni Kim mula nang naglalakad kami at madulas siya sa yelo dahil kasalukuyang malamig ang panahon noon.

Inalalayan ko siya para makatayo at mula noon, wala nang ligawan at kami ay nagkaibigan. Mabilis ang mga pangyayari at lubhang nahulog ang damdamin namin sa isa’t isa.

Madalas niyang sabihin sa akin na ang relasyon namin ay good while it last dahil pagbalik namin sa aming sariling bansa ay close chapter na dahil hindi na kami magkakaugnayan.

At ‘yun nga ang nangyari. Walang puknat na iyakan nang kami  ay magpaalaman na sa isa’t isa. Pati mga kasamahan namin ay larawan ng pagkalungkot para sa amin.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin siya pero bilang magandang alaala na lamang dahil mayroon na akong masayang  pamilya. Matagal ko nang tinanggap na magkaiba kami ng daigdig ni Kim at hindi dapat huminto ang pag-ikot ng daigdig ko dahil lamang sa kanya.

Salamat sa pagpapaunlak mo sa sulat ko.

Leonard

Dear Leonard,

Bawat tao ay kailangan ng magandang alaala at hindi kataksilan, kung maisip mo man paminsan-minsan ang mga alaalang ‘yun kahit may asawa ka na at mga supling.

Tama ang sinabi mo. Magkaiba ang inyong daigdig at gaano man kalalim ang pag-iibigan ninyo, may mga factors na nahumahadlang para kayo ay magkatuluyan ni Kim.

Pero nangyari man ‘yun, hindi talaga dapat ipagmukmok ito para tumigil sa pag-inog ang iyong mundo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with