^

Sinisisi ang sarili

(Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na mabibigyang daan mo itong aking liham. Tawagin mo na lang akong Sally, 23 anyos at single pa. Kamamatay lang ng boyfriend ko na si Nilo dahil inatake sa puso.

Isinisisi ko ang pagkamatay niya sa pagiging selosa ko.  Nakipag-break ako kay Nilo dahil sa nabalitaan kong may idine-date siyang ibang babae. Basta’t tinext ko siya at ipinaalam na break na kami.

Pinuntahan niya ako sa bahay para magtanong pero hindi ko siya hinarap sa tindi ng panibugho ko. Naroroon ang aking nanay na umestima kay Nilo habang ako ay nagkulong sa aking silid.

Ganyan si Nilo. Lubhang emotional kapag kami ay nagkakagalit. Pero ito ang pinaka-serious naming pag-aaway. Humahagulgol si Nilo habang ako ay nasa silid. Hanggang napasigaw ang aking ina dahil nanikip ang dibdib ni Nilo at sa bahay mismo namin namatay.

Tumawag ako ng ambulansya pero wala na siya nang madala sa pagamutan.

Sising-sisi ako. Nabalitaan ko mismo sa kapatid niya na ang babeng kasama ni Nilo na naitsismis sa akin ay ang balikbayan nilang pinsan.

Ano ang gagawin ko para maalis ang sumbat ng aking budhi? Hindi na ako makatulog at makakain?

Sally

Dear Sally,

Wala akong ibang maipapayo kundi sikapin mong maiwaksi sa isip ang masama mong alaala. Hindi na pwedeng mag-rewind sa nakalipas para maituwid mo ang iyong pagkakamali.

Maaaring matagal na proseso ang paglimot sa ganyang pangyayari na may kasamang pag-uusig ng iyong konsensya. Wala na si Nilo at ang magagawa mo ay humingi ng tawad sa kanyang mga kapatid at magulang. Ipakita mo ang marubdob mong pagsisisi at darating din ang araw na mapapawi rin ang sumbat sa iyong budhi lalo pa’t pinatawad ka nila.

Umaasa ako na nakapulot ka ng gintong aral mula sa sarili mong karanasan. Ang panibughong wala sa lugar ay nagsisilbing lason sa isang relasyon. Magtanong muna bago magselos.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with