^

Nagseselos sa bading

(Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Reginald. Naiinis ako sa gf ko. Sabi ko sa kanya, iwasan na niya ang kaibigan niyang bakla. Naiilang kasi ako sa kanya. Kapag magkasama sila, parang ang tingi ko sa gf ko bading din. Kapag hindi ko masamahan ang gf ko, laging siya ang kasama niya. Kahit bading-bading, lalaki pa rin ‘yon.

Magkahalong selos at suya ang nararamdaman ko sa kanya. Sinabihan ko na ang gf ko. Pero ang lagi niyang sinasabi ay wala pa ako, magkabarkada na sila ng beki na ‘yon. Matabil kasi ang dila ng bading kapag kinakausap ko siya.

Ayoko namang humantong kami sa matinding hindi pagkakaunawaan at mag-away kami dahil lang sa bading na iyon.

May pakakataon na nasasagot ko sila kapag nag-uusap kami. Ayokong maging maangas at hindi ko rin gusto na magkatampuhan sila dahil sa akin.

Hindi ko kasi minsan napipigilan ang nararamdaman ko kapag naiinis na ako.

Mabait naman siya kaso naiilang talaga ako.

Ang hindi ko matanggap ng sabihan ako ng gf ko na kapag pinatulan ko siya, bakla din ako. Kahit pabiro lang ‘yun, medyo nainsulto ako.

Sana nga kung sa tunay na lalaki ako nagseselos, kaso sa bading pa.

Sana matulungan ninyo ako. Baka mas piliin pa ng gf ko ang barkada niyang bading kaysa sa akin kapag nagkataon.

Reginald

Dear Reginald,

Ang bading ay galit sa kapwa bading? Wala pa namang kasabihan na ganyan. Kailangan mong mag- exert ng effort para makilala mo ng lubos ang kabarkadang bading ng gf mo. Pag-aralan mo rin ang mga pwede mong gawin para magkapalagayan kayo ng loob ang barkada ng gf mo. Ingat lang, baka naman magkagusto sa iyo.

Stay calm and kind para maging smooth ang lahat.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

GAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with