^

Kalbaryo ng ina

(Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Sitas, isang single mother nang maagang namatay ang aking mister 18 years ago at iniwanan sa aking ang kaisa-isang anak na lalaki. Beinte uno anyos na ngayon ang aming anak.

Mula elementary hanggang first year high school ay laging nasa honor roll ang aking anak na labis ko namang ikinagalak bilang isang ina na mag-isang nagtataguyod sa anak.

Ngunit unti-unting bumaba ang kanyang grade na labis kong ipinagtaka. Sa klase kasi ay hindi siya nawawala sa top three, pero biglang bigla ang pagbabago ng kanyang standing sa paaralan.

Sa labis kong pag-aalala, kusa akong nagpunta sa kanilang adviser at nalaman kong madalas siyang absent sa klase. Hindi ko alam kung papaano ko kakausapin ang anak ko. Ayaw ko siyang kagalitan at baka lalong magrebelde.

Nabalitaan ko na lang na siya ay nahuhumaling sa isang japayuki na matanda sa kanya ng limang tao. Kaya pala laging bago ang mga damit niya at mga alahas ay sustentado siya ng Japayuki na ‘yon.

Nang komprontahin ko ang aking anak ay umamin din siya at nag-sorry pero sinabing mahal niya raw ang babae. Ayaw na rin niyang mag-aral at makikisama na raw siya sa babaeng ‘yun.

Ano ang dapat kong gawin?

Sitas

Dear Sitas,

Ang tanging magagawa mo ay pangaralan siya at balaan sa posibleng masamang ibubunga ng paghinto niya sa pag-aaral at pakiki-pag-live in sa kanyang girlfriend.

Ang masaklap, hindi na siya menor de edad at kung sumuway siya sa pangaral ay wala ka nang magagawa pa. Beinte uno na siya at may kalayaang magdesisyon para sa sarili.

Kung ibig niyang makisama o pakasalan ang babaeng ‘yun, wala siyang lalaba-ging batas maliban na lang kung may asawa na ang babae. Gawin mo ang lahat ng pa-ngaral para hindi niya ituloy ang kanyang balak.

Ngunit kung ituloy niya ito, ipanalangin mo na lang na ilayo siya ng Diyos sa ka-pahamakan.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with