^

May matinding pinagdaraan

(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Geniva. Silver wedding anniversary na namin ng mister ko. Kaso hindi na katulad ng mga nakalipas na taon. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa amin itong pagsubok na ito sa aking asawa.

Napaka-active ng asawa ko. Kung negosyo lang, super sipag niya. Bukod pa nga sa mga traditional na business namin, may mga online business pa kami.

Napansin ko ang pagbabago ng mister ko nitong last December. Dati kapag noche buena na umiinom na sila ng bayaw ko ng alak. Pero panay ang daing niya na masakit ang kanyang tiyan. Kaya pina-check up ko siya. Malala na pala ang kanyang sakit sa kidney.

Sinubukan naming bigyan siya ng mga pagkaing makakatulong sa kanya para gumaling siya pero nanghihina pa rin siya.

Hanggang sa umabot na kami na ipa-dialysis na siya. Unti-unti kong nararamdaman ang awa at sakit na nararamdaman ng mister ko. Umaasa ako sa Panginoon na maka-recover siya.

Nag-iba na ang kanyang itsura, payat pero alam kong lumalaban siya. Hindi naman po ako humihingi ng pinasiyal na tulong, nais ko lang ibahagi ang sakit na aking nararamdaman.

Maraming salamat po kahit sa ganitong paraan ay nailabas ko ang aking nararamdaman para sa mister ko.

Geniva

Dear Geniva,

Una, congrats sa wedding anniverasary ninyo. Alam kong masaya ang mister mo kahit may sakit siya. Dahil alam niya na may isang taong nagmamahal sa kanya.

Talagang masakit sa kalooban. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung sakali na mangyari ang hindi inaasahan, ibukas mo lang ang iyong sarili sa kalooban ng Diyos.

Huwag kang titigil manalangin. Manalig ka lagi sa kanyang awa.

DR. LOVE

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with