^

Dr. Love

Nagkatotoo ang hula?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumakas ang paniniwala ko sa hula at sa bisa ng gayuma. May pinuntahan akong manghuhula, sinabi niya sa akin na may makikilala akong isang binibining marikit sa isang mall. Tapos may nabili akong isang kwintas na may stone gems. Sabi niya, lagi ko itong susuotin para maka-attract ako ng isang babae.

Hindi ako naniniwala noong una, dahil matagal na akong hindi nagkaka-gf simula nang magkahiwalay kami ng ex ko.

Kinwento ko ito sa aking mga barkada, tiwanan lang nila ako. Ang tanda ko na raw para sa mga ganung hula-hula.

Ilang buwan ang lumipas, parang hindi nga totoo ang hula. Minsan lang din kasi ako nagpupunta sa mall. Lalo na nga at nagpandemic.

Sa hindi iinaasahan, nagpasundo ang tiyahin ko, sa mall na lang daw kami magkita. Ang buong akala ko ay mag-isa lang siya, pero may kasama siyang magandang dilag.

Alam kong hindi siya ang nasa hula, dahil baka anak siya ng tiyahin ko. Malamang magkamag-anak kami.

Pero parang gumana ang mga stone gems na suot ko. Parang may energy akong naramdaman na parang bumubulong na siya na nga ang magiging gf ko.

Nag-stay pa sila sa amin. Kaya nilakasan ko na ang loob kong kausapin siya. Sinabihan ako ng tiyahin ko na anak siya ng katiwala nila sa Bicol at sumama para maghanap ng trabaho rito sa Maynila. Nagpalundag-lundag ang bugso ng aking damdamin. Siya na nga! Siya nga! Malakas na bulong ko sa sarili.

Huwag ko raw liligawan si girl dahil malalagot daw ako sa tatay niya…bilin ng tiyahin ko. Pero nasunod pa rin ang hula at sa tulong ng stone gems ko ay napatunayan kong napa-kapalad ko. Ngayon kami na ng girl, bf na niya ako.

Harry

Dear Harry,

Alam mo Harry, mapalad ka nga dahil nakilala mo ang iyong mahal sa buhay. Pero ang payo ko sa iyo, huwag mong iasa lahat ang mga gusto mong mangyari sa mga hula-hula. Maaaring natupad ang mga nais mo dahil ito ang itinakda ng Diyos para sa iyo.

May mga bagay na inaakala natin na sila ang sanhi ng katuparan, pero huwag mong kalimutan ang kinabukasan ay nasa kamay lang ng ating Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with