^

Dr. Love

Bastos na siyota

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Monalinda, 20 anyos. Mayroon akong boyfriend na love na love ko. Siya ang unang lalaki na nakagalaw sa akin at siya na rin sana ang gusto kong maging lifetime partner. Mahigit isang taon na ang relasyon namin.

Pinapayuhan ako ng mga friends ko na makipagkalas na sa kanya. Kasi raw, masyado akong binababoy kapag nalalasing siya.  Kapag nag-iinuman sila ng mga katropa niya, ginagawa niya akong parang GRO. Hinahalikan ako sa labi at niyayakap sa paraang dapat mangyari lang sa pribadong lugar.

Kapag tumanggi ako ay agad niyang sinasabing break na kami, kaya wala akong magawa kundi pumayag sa gusto niya. Isa pa, marami siyang mga babae at kapag inaaway ko siya, binabantaan ako na maghiwalay na kami.

Ayaw ko kasing mawala siya sa buhay ko dahil sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Sa kanya na ako nadapa, kaya gusto kong siya na ang makatuluyan ko.

Minsan, sa sobrang kalasingan, inutusan niya akong makipagromansa sa kanyang best friend. Muli, binantaan akong maghihiwalay kami kung hindi ko siya susundin. Halikan lang naman daw at hindi kami magse-sex ng kaibigan niya.

Doon na ako tumayo at nagtatakbong palabas ng bahay niya. Tinext niya ako at galit na sinabing wala na raw kami talaga. Mahal ko pa rin siya at gusto kong  humingi ng tawad. Tama ba ang gagawin ko?

Monalinda

Dear Monalinda,

Ha? Ikaw na nga ang binababoy, ikaw pa ang magso-sorry? Malaking kabaliwan na iyan. Alam mo, gusto mo siyang makatuluyan pero tiyak mo ba na ganun din ang nadarama niya? For sure, iiwanan ka rin niya kapag nagsawa na siya sa iyo.

Huwag kang baliw, Monalinda.  Sa ngayon, sirang-sira na ang reputasyon mo dahil marami na ang nakasaksi  sa lantarang pambababoy niya sa iyo. Mahirap nang ibalik ang nawasak na dangal. Pero kahit huli na ang lahat, layuan mo ang lalaking iyan at magbagong buhay ka na. Sana, may matino pang lalaki ang magkakagusto sa iyo sa kabila ng lahat.

Maaaring ang impresyon sa iyo ng tao ngayon ay isa kang pakawala at hindi mo sila masisisi dahil kinunsinti mo ang kabastusan na ginagawa sa iyo ng lalaking iyan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with