^

Dr. Love

Gawin ang nararapat at tama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ngayon pa lang parang nakikita ko na hindi magkakasundo ang magiging biyenan ko at ang mga magulang ko.

Nagsimula ‘yan nang hindi ko pag-uwi sa bahay namin, dun ako natutulog sa bahay ng bf ko. Pareho naman kaming professional at pwede na mag-sama.

‘Yan ang hindi maunawaan ng aking mga magulang. May trabaho naman ang bf ko at ganon din ako. Pareho kaming nasa call center kaso madalas magkahiwalay ng shift.

Hindi na ako umuuwi dahil mas malapit ang condo ng bf ko sa place ng work namin. Minsan kapag na-assign ako ng night shift, kailangan ko makitulog sa condo ng bf ko. Bawal daw iyon sa utos ng Diyos.

We are old enough naman para pakialaman pa nila. Hayun lagi kaming napapagalitan ng mama ko. Kung saan-saan daw ako nakikitulog.

Bakit ayaw pa raw naming magpakasal para wala na silang problema sa amin. Ayaw pa ng bf ko dahil nag-iipon pa kami. Ang condo na tinitirhan niya ay paupahan ng kanyang mama. Kaya minsan nasa-sabihan kami na baka ano raw ang sasabihin ng ibang tao at kung bakit pinapayagan ako ng magulang ko na makitulog sa bf ko.

Siguro naman wala nang pakialam ang iba sa amin.

Menilyn

Dear Menilyn,

Kung gusto mong maging maayos ang pagtrato sa iyo ng magiging biyenan mo, makinig ka sa mga payo niya at ganun din sa mga magulang mo. Tama naman, na nasa wastong gulang ka na. Pero hindi lahat ng gusto mong gawin ay pwede na.

Hindi naman na dapat matakot ka sa mga sa-sabihin sa iyo ng ibang tao, ang dapat mong ingatan ay ang pagiging disenteng tao. Kung hahayaan na lang nila ang mga ganyang sitwasyon, paano magi-ging maayos at marangal ang ating pamumuhay?

Hindi naman ito tungkol sa relihiyon o anumang katuruan, ang mahaga ay umayon tayo sa kung ano ang nararapat at kung ano ang tama. Kahit sa batas ng civil ay kailangan ninyo ang magpakasal para na rin sa mga magiging anak ninyo. Paano na lang kung mabuntis ka at iwanan ka ng bf mo? Huwag naman sana. ‘Yung mga ganung bagay ang dapat mong i-consider.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with