^

Miss na miss na si Lola

(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lolo Mitoy. Mahirap ang kalagayan naming mga seniors. Hinihintay ko lang ang aking anak na lumuwas dahil ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ng aking misis sa Ilocos. Mabuti nga naisipan kong sumulat sa iyo. Tinulungan ako ng anak kong bunso.

Naiinip na ako dito Maynila. Mabuti pa sa amin sa Ilocos, marami akong pwedeng pagkaabalahan.

Andun din ang aking mga apo. Sinamahan ko ang aking anak na mag-enroll at nag-stay na ako dito dahil bawal na ngang lumabas at magbiyahe.

Ang bunso ko na lang naman ang nag-aaral sa kolehiyo, dito kami nakatira sa kanyang ate. Ang panganay ko ang luluwas para sunduin ako. Kaso busy pa raw sa pag-aayos ng bahay namin sa Ilocos. Naiinip na ako. Panay nood na lang ng tv.

Mabuti at may kausap ako. Kaso may pasok naman silang lahat. Gusto ko sanang maglakad-lakad pero bawal.  Baka lalo akong manghina kaya gusto ko nang bumalik sa probinsiya.

Siyempre na mi-miss ko na ang maganda kong asawa. Matagal na rin kaming hindi nagkakayap at nagroromansa. Tuloy naaalala ko ang aming nagdaan.

Hindi naman kami kinasal agad sa simbahan. Dahil pinikot niya ako. Masyado kasi akong gwapo at lapitin ng chicks. Kaya hindi na niya ako pinakawalan.

Nang nag-aya na siyang magpakasal sa simbahan, sinabi ko na pag-iisipan ko pa. Aba’y nagtampo, hindi ako kinausap maghapon at ang salbahe ko raw.

Pero pumayag din ako kaya nadagdagan nang nadagdagan ang aming mga anak. Nakasiyam tuloy ako. Gusto ko pa ngang sundan.

Lolo Mitoy

Dear Lolo Mitoy,

Hay! Lolo, lahat po ay apektado ng pandemic na ito. Lumipas lang ang taon kakahintay. Pasalmat na nga lang tayo at hindi tayo nagkakasakit.

Mainam naman na huwag muna kayong maglalalabas. Excited na yata kayo sa bagong bahay ninyo. Konting tiis pa.

Nakakatuwa lang ang istorya ninyo ni lola. Sarap talagang balikan ang mga matatamis na alaala. Naniniwala naman akong gwapo kayo, siguro kamukha mo si Manoy. Mala Eddie Garcia ang tindig mo kaya hindi ka na pinakawalan ni lola.  May awa ang Diyos makakaraos din po tayo sa pagsubok na ito. Ingat po lagi and God bless po.  Regards na lang po sa siyam na anak ninyo.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with