^

Lesbian ba ako?

(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Zoraida, 19 years old. Hindi mo naitatanong, maganda ako at artistahin. Mula first year high school pa lang ay nagkaroon na ako ng tatlong boyfriends na hindi ko naman sineryoso. Para sa akin, ayaw ko lang ma-out of place sa mga kaibigan ko na may boyfriends.

Sa totoo lang, hindi ko pa nararanasan na ma-in love kaya panay ang tanggap ko ng suitors pero wala na akong sinasagot ni isa dahil wala akong kilig na nadarama sa kanino man sa kanila. Naiinggit ako sa mga friends ko na very sweet sa kanilang mga jowa.

Hanggang sa makilala ko si Estela na naging close friend ko. Sa kanya ko nadama na tumibok ang puso ko. Maganda rin siya pero parang tomboyish kung kumilos.

‘Di katagalan ay nagtapat siya ng pag-ibig sa akin at agad ko siyang sinagot. Attracted talaga ako sa kanya. Isang feeling na hindi ko naramdaman kahit kaninong boys na nanligaw sa akin.

Sa mga artista, wala akong hinahangaang lalaki kundi puro babae tulad ni Maja Salvador. Hindi ako nag-aastang lalaki at mahilig din akong mag-makeup. Pero iba ang nadarama ko, dahil mas attracted ako sa kapwa ko babae. Tomboy po ba ako?

Zoraida 

Dear Zoraida,

Alam mo, bilang isang nananampalataya kay Jesus Christ, hindi ako sangayon sa same sex relations. Pero hindi kita kokondenahin. Hindi mo naman kasalanan na ganyan ang feelings mo at may kakaiba kang sexual pre-ference.

Sana hindi ka naman tunay na tibo, kundi dahil sa kabataan mo baka mayroon ka pang confusion sa sarili na malalampasan mo rin sa takdang panahon. Maraming katulad ng kaso mo, pero dumating ang puntong umibig din sila sa lalaki.

Kasi, kung tunay kang lesbian, hindi ka magiging very feminine sa iyong pag-aayos ng katawan. Babaeng babae ka from your looks at maraming nanliligaw. Marami akong kaibigang dating tomboy pero nagbago nang taimtim na tumanggap kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Subukan mong gawin ito. Magsisi, humingi ng tawad sa Diyos at tanggapin si Kristo bilang personal Lord and Sa-vior, at naniniwala akong isang himala na magpapabago sa iyong buhay ang magaganap. Isa pa, putulin mo na rin ang pakikipag-ugnayan sa iyong karelasyon ngayon.

Dr. Love

 

LESBIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with