^

Suki ng delivery ang ex

(Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nagde-deliver po ako ng mga online orders. Kahit saan nakakarating ako. Pagod araw-araw, kailangan maka-deliver at umabot sa kota.

Hindi ko alam noong una ang panganib ng trabaho kong ito. Maayos naman ang kita, kahit minsan may nagka-cancel ng orders at ang iba kong kasamahan naho-hold up pa.

Pero kahit mahirap, tiis-tiis lang. Maliliit pa kasi ang anak namin. Kailangan kong magsipag.

Hindi ko inakala na magiging sanhi ng pag-aaway namin ng misis ko ang trabaho ko.  Nagselos siya sa ex ko. Simula kasi nang matiyempuhan na sa kanila ang delivery ko, lagi nang umu-order ang ex ko. Sa akin ang bagsak ng order niya dahil sa area ko siya nakalista.

Hindi ko sinabi sa misis ko na minsan wala ang asawa ng ex ko. Pinatuloy niya ako at pina-shot dahil saktong birthday niya at gabi pa ang uwi ng asawa niya.

Pinagbigyan ko siya, wala naman sa akin ‘yun. Ang problema gusto niya, halikan ko siya. Pinagbigyan ko naman siya naghalikan kami sa loob ng bahay nila.

Malakas ang loob ng ex ko dahil maaga pa noon. Sinabi pa niya na kung namimiss ko raw siya ay puntahan ko lang siya para mag-deliver ng pagmamahal. Hindi siya masaya sa kanyang naging asawa. Mayaman pero nambababae.

Minsan nabasa ni misis ang pangalan ng dideliberan ko. Mabuti at hindi niya alam ang apelyido ng ex ko.

Sinabi kong kapa-ngalan lang niya iyon.

Siyempre maga-ling ako magtago ng lihim. Kaso, gusto ko nang walang sabit at malinis na trabaho. Kaya kapag may order ang ex ko, sa iba ko na pinapasa. Nagtatanong tuloy ang may hawak sa akin, bakit daw namimili ako ng didiliberan.

‘Yung lamang po.

James

Dear James,

Maraming salamat sa binahagi mo. Mabuti at hindi ka naabutan ng asawa ng ex mo, kung hindi yari ka.

Mainam ang ginawa mong desisyon at ipinasa mo ang mga order ng ex mo. Ipaliwanag mo na lang sa may hawak sa iyo o sa manager mo kung ano ang iyong dahilan para hindi makaapekto sa performance mo ang desisyon mo.

Iwasan mo ang mga sabit-sabit baka imbes na kumita ka ay mapahamak ka sa mga ginagawa mong mali.

Tuloy mo lang ang pagiging tapat na asawa at huwag mo nang uuliting halikan ang ex mo.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with