^

Walang tiwala sa sarili

(Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Siguro kung tutukoy tayo ng sampol ng taong pinagkaitan ng kagandahan ng Diyos, baka number one na ako sa listahan.

Tawagin mo na lang akong Ida, 26 anyos at dalaga pa. Dalawang ulit akong nakaranas maligawan pero pareho pang hindi seryoso ang mga nanligaw at halatang wala naman silang gusto sa akin.

Nakatapos ako ng elementary education at nagtuturo sa isang private school. Pati nga sa mga estu-dyante ay tampulan ako ng panunukso, pero  sana’y na ako.

Kaya mas gusto ko na lamang ang ganito at pinilit kong maging masaya kahit walang manliligaw. Hanggang sa makilala ko si Deo, isang Grab driver. Guwapo siya at matipuno ang katawan.

Hindi ako makapaniwala na liligawan niya ang isang katulad kong 4’11 ang height, mataba, pango at maitim ang kutis. Sabi nga ng iba, kahit nanay at tatay ko ay hindi maa-appreciate ang itsura ko.

Nadarama kong may kilig feelings ako sa lala-king ito. Sabi niya, may sarili siyang pamantayan ng kagandahan at ang maganda raw sa akin ay ang a-king mabuting kalooban na hindi niya nakikita sa iba. Mukha talagang seryoso siya, Dr. Love pero ayaw kong masaktan muli kaya ayaw kong mag-commit. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Ida

Dear Ida,

Huwag ka munang mag-commit kundi kaibiganin mo muna siya nang matagal para malaman mo ang buo niyang pagkatao. Sa paraang ito ay matatantiya mo kung tunay ang sinasabi niyang pag-ibig sa iyo.

Huwag mo agad huhusgahan ang sarili mo, na wala nang pwedeng umibig dahil sa kakulangan mo sa kagandahang panlabas. Tama ang bago mong suitor. Higit na mahalaga ang kabutihan ng puso na nakita niya sa iyo.

Huwag mong sisihin ang Diyos kung salat ka man sa gandang panlabas dahil lahat ng tao ay may kani-kaniyang katangian na ipinagkakaloob ng Panginoon.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with