^

Kasal, buntis pa pero ‘may iba’

(Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

A pleasant day po sa inyo. Umaasa ako na sa pamamagitan ng mahalaga ninyong payo ay matutuldukan na ang matagal ko nang problema.

Tawagin mo na lang akong Vida Alma, 25 anyos at may asawa. Mahigit isang taon na nang magpa-kasal kami ni Diego. Hindi ko siya totoong mahal, nabuyo lang ako ng panunukso ng mga kaibigan kaya sinagot ko siya. May namagitan sa amin kaya napilitan akong magpakasal sa kanya.

Matapos ang ilang buwan naming pagsasama ay na-realize ko na mali ang ginawa kong pagpapakasal. Gayunman pinilit ko na siya’y mahalin. Mabuti siyang tao. Masipag maghanapbuhay at mapagmahal.

Ngayon ay buntis na ako. Akala ko, sa buhay na dala ko sa aking sinapupunan ay matututuhan ko na siyang mahalin. Hindi pa rin. Habang nagbubuntis ako ay may bagong lalaki sa aming community na nakipagkilala sa akin. Hindi pa kasi halata ang nasa tiyan ko.

Hindi ko alam kung bakit napalapit ako sa kanya. Pati personal kong buhay ay naikwento ko sa kanya hanggang magkaroon kami ng mutual understanding. Wala pang namamagitan sa amin pero nagi-guilty ako. Pagpayuhan mo po ako.

Vida Alma 

Dear Vida Alma,

Komplikado ang problema mo. Kasal ka na kay Diego at may ipinagbubuntis ka na siya ang ama. Kahit hindi mo siya mahal tulad ng nasabi mo ay asawa mo na siya sa harap ng batas ng tao at ng Diyos.

Wala ring dahilan para ipa-annul mo ang kasal dahil nasabi mong ulirang asawa si Diego. Hindi katuwiran na napilitan ka lang magpakasal sa kanya sa udyok ng mga kaibigan mo dahil ikaw ay may sapat nang pag-iisip at nasa legal age nang ikaw ay magpakasal.

Maaari ka sigurong mag-imbento ng dahilan para magkaroon ng basehan ang annulment pero maaatim mo bang gumawa ng kasinungalingan laban sa taong mabuti at tapat na umiibig sa iyo?

Kalimutan mo na ang bagong lalaking dumating sa buhay mo at iwasan na ang makipag-usap sa kanya para hindi ka matukso. Darating din ang araw na matututuhan mo siyang mahalin.

Dr. Love

 

 

 

 

 

PREGNANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with