^

Gustong makabawi

(Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nahihiya talaga ako sa biyenan ko. Lahat kasi ng hindi ko maibigay sa aking asawa’t anak ay naibibigay niya sa amin.

Hindi ko inakala na magiging mahirap ang kalagayan namin nitong pandemic. Maganda naman ang aking trabaho. Permanent employee ako kaya hindi ko inakala na masasama ako sa mga maaapektuhan ng hibernate.

Hanggang nagdesisyon ang aming management na mag-early retirement ang mga empleyado. Sa kasawiang palad, nakasama ako sa mga pinagre-retire.

May matatanggap kami kaso hindi gaanon kalaki. At hindi agad maibibigay ng kumpanya.

Kaya heto, medyo nangangapa. Mabuti at mabait ang biyenan ko. Nag-aabot siya sa amin ng panggastos. Nahihiya ako sa kanya kasi naaalala ko nang mamanghikan ako, pinangako ko sa kanila na gagawin ko ang lahat para sa kanilang anak.

Pati na mga ang almusal at dinner namin, pinadadala pa niya sa driver nila. Pinalilipat na rin niya kami sa bahay nila para hindi na muna kami uupa ng bahay habang naghahanap pa ako ng trabaho at para makaipon muna kami.

Buong pakumbaba kong tinatanggap ang katotohanan na wala akong maipagmamalaki sa kanila. Hindi naman ako ganoon katanda, 45 years old pa lang ako, kaya gusto kong makahanap uli ng trabaho.

Umaasa akong makakahanap pa rin ako ng magandang trabaho para naman makabawi ako. Ang makukuha kong pera sa kumpanya ay balak kong gawing puhunan para magtinda-tinda. Mara-ming salamat po.

Reginald

Dear Reginald,

Huwag ka masyadong padala sa hiya mo. Ganyan talaga, minsan hindi tayo sanay na tinutulungan kaya tayo nahihiya. Pero you need to appreciate ‘yung ginagawa ng biyenan mo. Mapalad ka at may mabait kang biyenan na handa kayong damayan at kalingain.

Malaki ang nagagawa ng pagpapasalamat sa taong nakatutulong sa iyo. Kaya bilang pasasalamat, bumawi ka na lang muna sa kung ano ang maitutulong mo sa kanila. Magkumpuni o laging maging handa sa ipinakikisuyo sa iyo.

Sa ganitong mga panahon, nasusubukan ang iyong kababaang loob. Huwag kang matakot dahil hindi sa lahat ng panahon ay na-ngangailangan ka. May awa ang Diyos. Nalulugod siya sa mga taong marunong tumanggap ng pagsubok na may pagtitiyaga at tiwala sa Kanya.

Ipagdasal mo rin ang biyenan mo na pag-palain pa ng higit. Hindi lang sa materiyal kundi maging sa kalusugan at ispirituwal na aspeto.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with