^

Ang tutor

(Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Andrew, 23 anyos at isang public school teacher. Kapag Sabado, nagsa-sideline ako bilang tutor sa English. May tatlo akong tinuturuan sa araw na ito. Kabilang dito si Maricris na nasa senior high. Seventeen years old lang siya, maganda at may pagka-flirt at parang nanunukso ang kanyang mga tingin tuwing may session kami sa bahay nila.

Minsan, kung may itatanong siya ay titingnan niya ako ng malagkit at hahawakan at pipisilin ang aking kamay. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako tinatablan ng kanyang palipad-hangin. Isa pa, hindi niya ako sini-sir kundi tinatawag ako sa aking pangalan. Aniya bata pa naman ako at papasa bilang boyfriend niya.

Tuwing may session kami, wala ang kanyang mga parents at katulong lang ang kasama. Minsan, dumaing siyang naaalinsanganan at niyaya niya akong mag-session sa kanyang silid na aircon. Tumanggi ako bagamat natutukso akong umoo.

Alam ko na kasi ang magiging kasunod noon. Ayaw kong mahulog sa tukso kahit binata pa ako dahil ako’y Kristiyanong may takot sa Diyos. Isa pa, hindi ang babaeng katulad niya ang aking seseryosohing maging kasintahan.

Ayaw ko namang bitawan siya dahil malaki ang ibinabayad sa akin ng kanyang ama na isang mayamang negosyante.  Ano kaya ang dapat kong gawin?

Andrew

Dear Andrew,

Bilang guro, may karapatan kang pa-ngaralan siya. Ipaliwanag mo na ang mga teachers ay may code of ethics na hindi pwedeng maki-pagrelasyon sa tinuturuan. Huwag ka ring pumayag na tawagin ka niya sa iyong first name. Dapat galangin ka niya bilang guro.

Alalahanin mo rin na minor ang edad ng tinuturuan mo at kung magpapatukso ka at may mangyari sa inyong dalawa, liable ka sa kasalanang statutory rape.

Kaya pagpayuhan mo siyang tumigil sa pagpaparamdam sa iyo at kung hindi, magbibitiw ka sa pagiging tutor niya.

Kung hindi siya magbabago, malaki man ang suweldo mo sa pagtuturo sa kanya ay mas mabuting bumitiw ka na sa pagi-ging tutor niya. Mas mabuti iyan kaysa mahulog ka sa kanyang panunukso na ang ibubunga ay ka-pahamakan mo.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with