Hindi maka-move on

(Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Si Romnick ang una at huling boyfriend ko dahil first year high pa lang kami ay very close friends na kami hanggang sa maging kami na. Kay Romnick lang umikot ang aking mundo. Sa tingin ko, wala nang makakapantay sa kanyang katangian.

Sa pagkakaalam ko, ako rin ang unang girlfriend niya. Maraming nanligaw sa akin pero basted silang lahat sa akin dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Romnick.

Bumuo na kami ng magagandang plano at pangarap. Balak niyang maging doktor at ako naman ay nurse.

Maganda sana ang aming magiging partnership. Frontline health workers kami pareho ni Romnick nang sumulpot ang pandemya ng COVID-19.

Kasama si Romnick sa mga nahawahan ng sakit at sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas. Limang buwan na nang mamatay si Romnick na labis kong ikinalungkot at iniyakan.

Hanggang ngayon ay napapa-hagulgol ako kapag naaalala ko siya. Minsan naiisip ko na sana ay kunin na rin ako ng Diyos upang kami ni Romnick ay magkasama.

Ano ang dapat kong gawin upang makalimutan ko siya?

Mildred

Dear Mildred,

Sa palagay ko, kung nakikita ka ni Romnick sa ngayon ay nalulungkot siya. Kasi parang siya ang naging dahilan kung bakit ka nagdadalamhati nga-yon. Mas sasaya at mapapanatag siya kung mag-move on ka na.

Isipin mo na lang na ang pagkamatay ni Romnick ay makabuluhan dahil inialay niya ang kanyang buhay sa pagsisilbi sa mga biktima ng pan-demya. Isa siyang bayani sa panahong ito ng krisis.

Huwag mong isara ang puso mo sa posibilidad na umibig muli. Napakaganda ng buhay para tumigil ang inog ng iyong mundo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with