Dahil sa sobrang pagda-diet

(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Diehard sa pagda-diet ang girlfriend ko, kahit sinabi ko na sa kanyang mahal na mahal ko siya anuman ang itsura niya.

Nagsimula ‘yun nang magkaroon ako ng officemate na slim at very smart, secretary ng boss ko. Sa maghapon, kami ang magkasama dahil ako ang assign sa IT program ng company, kaya lagi akong nakaalalay sa mga ipinapagawa ng boss namin.

Kaya nag-aalala ang gf ko, baka ma-fall daw ako sa girl na ‘yun. Napapansin ko na kapag napunta ang usapan tungkol sa work ko, natatahimik siya. Minsan naman, tinotopak at parang hindi mapakali.

Nag-decide siyang mag-diet para hindi raw mabaling ang isip at puso ko sa kaopisina  ko. Ok naman sana, may health program siya na sinusunod at regular naman ang check-up niya.  Talagang epektibo ang ginagawa niya, dahil malaki ang binawas ng kanyang timbang.

Hindi niya sinabi na madalas na pala siya nalilipasan ng gutom at hindi makatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon namin. Ang akala ko, ok lang siya pero hanggang nilamig siya at dinala namin sa ospital.  Sabi ng doktor, pinuwersa raw niya ang sarili, kaya nauwi sa sakit. At hindi niya sinabi na nitong mga hu-ling araw ay umiinom na siya ng pills na hindi naman nireseta ng doktor.

Ano ang gagawin ko para matanggal ang insecurity ng gf ko?

Paolo Martin

Dear Paolo Martin,

Sapalagay ko, hindi ang payo mo ang kailangan ng iyong gf. Hayaan mo muna natin siyang maka-recover sa sakit niya. Maraming mga tulad niya ang napapahamak dahil sa sobrang diet o kaya sa pagpupumilit na pumayat nang agad-agad. Mabuti nga, naagapan pa siya. May mga inaatake sa puso o kaya bigla na lang mahihilo dahil sa sobrang panghihina.

Pakiusapan mo siya na wala sa itsura ng tao ang tunay na pagmamahal.

Lalo mo pang ipa-kita ang malasakit at pag-aaruga mo sa kanya. Tulungan mo rin na matanggal ang insecurities niya, huwag mo lang ipakita kundi lagi mong iparamdam na siya lang ang kumukumpleto ng araw mo.

Always be faithful to her. Thank you for your sharing. God bless.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with