Yaya may gusto sa alaga

(Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Lyra, 25 yrs old. Galing akong probinsiya, kinumbinsi ako ng tita ko na magpunta ng Maynila para mamasukan bilang yaya. Puntahan ko raw si Domeng at doon ako mamamasukan. Sa Sta. Mesa raw malapit sa dating Fernandos, sa gilid ng simbahan ng Sacred Heart.

Habang nasa bus ako, inaakala kong matanda na si Domeng. ‘Yung tipo ng matandang binata na malapit nang mag-goodbye world.

Sinundo ako ng isang binata dala ang magara niyang kotse. Matipuno ang katawan, makinis ang mukha parang pang Korean telenobela. Hindi naman siya nagpakilala agad. Humanga ako sa kanyang kagwapuhan at sa kanyang pagiging maginoo.

Hinatid pa niya ako sa aking magiging kuwarto. Pagbaba ko para maghapunan, hinanap ko si Mang Domeng. Ang akala ko pamangkin siya ni Mang Domeng, pero siya pala ang aalagaan ko.

Siya si Domeng, ang may-ari ng bahay. Nag-iisa na lang siya sa bahay dahil namatay na ang kanyang papa. Kaya siya na ang namahala ng kanilang negosyo. Wala siyang asawa kaya naghahanap siya ng mag-aasikaso para sa kanya.

Habang tumatagal parang asawa na ang turingan namin. Ginigising ko siya tuwing umaga, hinahanda ko ang lahat ng kanyang kailangan. Sa simula ng araw hanggang gabi, siya na ang laman ng isip ko para mapagsilbihan ko siya ng maayos.

Nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin ako sigurado kung may patingin na rin siya sa akin. Nag-aalangan ako kung itutuloy ko itong nararamdaman ko dahil hindi naman siya nagsasabi sa akin. Ayoko kasing ako ang unang magbigay ng motibo.

Lyra

Dear Lyra,

Huwag mong pangunahan ang desisyon ni Domeng. Hayaan mong siya ang unang magsabi sa iyo. Baka mali ang inaakala mo. Hindi naman sa pina-ngungunahan ko ang sitwasyon ninyo. Pero alalahanin mong may mga bagay na dapat kang isaalang-alang.

Kung may patingin din siya sa iyo ay huwag ka nang magpatumpik-tumpik, pero huwag ka rin namang maging agresibo masyado sa nararamdaman niya sa iyo at baka manlumo ka kapag nalaman mong talagang yaya ka nga niya.

Basta enjoy life at lagi kang mag-iingat.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with