Nanaig ang pagkalalaki

(Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ngayon ko nalaman na hindi hadlang ang pagi-ging bading ko sa pagpasok sa isang masalimuot na relasyon. Michael na lang ang itawag ninyo sa akin.

Ang best friend kong si Lally (hindi niya tunay na pangalan) ay ikinasal sa isang lalaking may kaya, si Rolly. Pareho ko silang kaibigan, simula pa ng kami ay bata pa.

Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang ugali ni Rolly. Kahit naman lagi siya sa kanyang barkada, maayos pa rin sila. Ni hindi nga sila nag-aaway dahil hinahayaan lang siya ni Lally. Open naman sila sa akin pero mas pabor ako kay Lally dahil may pusong babae rin ako kahit nasa katawan ako ng isang lalaki.

Noong mga unang pagsasama nila, maganda naman ang kanilang relasyon. Ngunit nang nagpupunta na si Rolly sa iba’t ibang lugar, bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ng dalawa.

May babae nga si Rolly, nalaman nito ni Lally sa barkada rin ng kanyang mister. Kaya madalas na hindi na umuuwi sa kanila si Rolly.

Ako ang naging sandigan ni Lally. Dama ko ang kanyang paghihinagpis. Hindi ko siya iniwan dahil alam kong kailangan niya ang kaibigan sa mga sandaling iyon.

At nahulog na rin ang puso ko kay Lally. Alam kong hindi dapat at hindi kami talo pero nauna sa akin ang malasakit at kalinga sa isang taong binigo at hiyaang mabuhay ng mag-isa.

May nangyari sa amin ni Lally na hindi ko rin inaasahan. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin, ang feeling ko na naging dagdag pa ako sa problema niya.  Ayoko na rin siyang iwanan dahil napamahal na siya sa akin at ako sa kanya. Sana lang ay huwag na siyang balikan ni Rolly para maipagpatuloy na namin ang pagmamahalan namin.

Michael

Dear Michael,

Ano ang kinakatakot mo? Nakuha mo nang panindigan at pasayahin si Lally sa kabila ng kanyang kabiguan. Oo, sa batas mali ang ginawa mo, pero sa batas ng pag-ibig hindi natin ito maitatago. Kung talagang nagmamahalan kayo, ayusin ninyo at gawing ninyong legal ang inyong pagsasama. Kung may paraan para makausap si Rolly ay gawin ninyo.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with