Dahil sa inggit

(Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Totoo na may mga babaeng hindi naman maganda pero maraming manliligaw at mayroon namang maganda na hindi ligawin. May kaugnayan po rito ang aking problema.

Si Laarni ay best friend ko sapul pa ng kami’y nasa elementarya. Maganda siya pero may pagka-masungit ang dating, kaya iniiwasan ng mga lalaki. Ako naman ay maraming manliligaw kahit ako ay kulang sa sukat, morena at hindi kagandahan.

Tawagin mo na lang akong Liza, 19 anyos at estudyante. Neighbor ko lang si Laarni at very close kami sa isa’t isa hanggang paghiwalayin kami ng inggit.

Madalas, sinasabi niya sa akin na bakit marami akong suitors samantalang siya, isa lang na hindi pa niya type. Hindi ko masagot ang tanong niya. Ang payo ko na lang sa kanya, lagi siyang ngumiti at huwag masungit.

Nagsimula akong iwasan ni Laarni nang ligawan ako ng crush niya, na naging boyfriend ko. Ayaw na niyang makipag-usap sa akin kahit mag-text ako sa kanya. Alam ko na ‘yun ang dahilan. Ano po ang dapat kong gawin?

Liza

Dear Liza,

Marahil ang asset mo ay ang maganda mong ugali at likas na pagiging pala-kaibigan. Mas magandang katangian iyan. Kahit pang-Miss U pa ang ganda mo, kung ikaw naman ay masungit at suplada, talagang matatakot na lumapit sa iyo ang mga lalaki.

Wala kang atraso sa best friend mo. Hindi mo kasalanan na lapitin ka ng mga kalalakihan habang siya naman ay iniiwasan dahil sa kanyang kasupladahan. Medyo masakit nga na lumalayo siya sa iyo dahil bumilang na ng taon ang inyong friendship.

Ngunit kung ginawa mo na ang lahat ng nararapat pero ayaw ka pa rin niyang kausapin, tanggapin mo na lang muna ang ganoong si-twasyon at umasang kakausapin ka rin niya uli balang araw.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with