Inahas ng ka-dorm

(Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Joy. Tatlo kami sa dorm, ang jowa kong t-bird at ang isang em-pleyado ng bangko. Hindi ko na siya papangalanan baka lalong mag-init ang ulo sa akin.

Siya na ang nang-ahas, siya pa ang galit sa akin. Hindi ko naman sana papansinin pa ang ginawa niya pero parang ginagawa pa niyang obvious. Pinagseselos niya ako talaga.

Nakita ko naman na umiiwas ang bf kong t-bird dahil alam niyang matampuhin ako at selosa.

Ang kinagagalit ko, lagi siyang nag-aabang kapag maliligo ang bf ko. Lagi siyang nakasunod. Panay ang pasuyo niya sa bf ko.

Ang problema ko, nag-aaya siya ng inuman sa amin. Hindi ako pumayag, ‘yun ang unang nakita ko na parang kinakampihan pa ng bf ko ang babaeng iyon.

Nainis ako at hinayaan ko na lang silang dalawang mag-inuman. Natulog ako agad, nagsara ng kwarto kaya sila na lang ang naiwan sa sala. Hindi ko alam kung may nangyari sa kanila.

Kaya nagdesisyon akong humiwalay na lang sa kanila, dahil naiilang na talaga ako sa kanila. Nawalan ako ng gana dahil sa kakagawan ng babeng iyon. Akala ko, matino siya pero inahas niya ako.

Ayoko namang pa-tulan pa siya. Kaya ako na lang ang aalis. Sana paliwanagan po ninyo ako, para hindi ko na ituloy ang pakikipag-break ko sa kanya.

Joy

Dear Joy,

Salamat sa sha-ring mo. Mainam na mag-usap kayong tatlo ng masinsinan. Baka pwede pang maayos ang problema ninyo. Pero kung hindi na talaga, kailangan na ninyo ng bf mo na lumipat ng ibang dorm.

Walang mangyayari kung sisisihin mo pa ang bf mo. Siya ang pinakamalapit sa buhay mo, kaya huwag mo siyang pagselosan ng matindi.

Mahalin mo siya. Sabihin na nating bikima rin siya ng pang-aakit, kaya kailangan ka niya para maliwanagan ang utak niya na mahal mo pa rin siya kahit sa loob ng pagsubok at problema.

DR. LOVE

JOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with