Manyakis na BF

(Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Anim na buwan ko ng boyfriend si Tito at akala ko isa siyang totoong maginoo. Puro kabaitan ang ipinakikita niya sa tuwing magkasama kami, kaya hindi ko akalaing gagawa siya ng isang kabastusan.

Tawagin mo na lang akong Lyra, 21 anyos. Dalawang anak na babae kami sa aming pamilya at ulila na kami sa ina. Parang miyembro na ng aming pamilya si Tito at madalas siyang nasa aming bahay.

Pero isang araw na umuwi ako, sinalubong ako ng aking younger sister na umiiyak. Dumating daw sa bahay si Tito habang ang aking kapatid ay nag-iisa at walang kasama. Inestima naman niya si Tito at nakipagkwentuhan.

Tapos daw, naging kalaswaan ang mga ikinukwento ni Tito sa kanya habang lumapit siya sa aking kapatid at tinangkang halikan siya sa labi. Pumiglas ang aking kapatid at sinampal si Tito.  Dali-daling lumabas ng aming bahay si Tito sa takot na maiskandalo.

Sapat na iyan para makipag-break ako sa aking manyakis na boyfriend. Dalawang buwan siyang hindi nagpakita at isang araw, nag-text siya sa akin. Humihingi ng sorry at nakikipagbalikan. Dapat bang patawarin ang lalaking ganyan ang ugali?

Lyra

Dear Lyra,

Kung tawad ang hinihintay, patawarin mo pero huwag ka nang makikipagbalikan dahil sa ipinakita niyang paglapastangan sa kapatid mong nakababata.

Siyempre, kahit sinong babae ay mawawalan ng gana at respeto sa sino mang lalaking nagpapakita ng tendency na maging rapist. Mabuti na lamang at hindi siya nagtagumpay sa masama niyang balak sa kapatid mo. Huwag mo ng ha-yaang maulit pa ang ganyang pangyayari.

Kung nagawa niyang pagtangkaang gawan ng kahalayan ang kapatid mo, hindi tunay ang pagmamahal niya sa iyo. Kaya mas makabubu-ting tuluyan ka nang makawala sa kanya. Hindi siya karapatdapat sa iyo. Kung mahal ka niya, dapat nirerespeto niya ang mga taong malalapit sa iyong puso.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with