Boses ipis?

(Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Jack. Malaki ang insecurity ko dahil matipuno ang katawan ko pero boses ipis naman ako. Kahit noong bata pa ako, napapansin ko nang manipis ang aking boses.

Wala naman daw depekto ang lalamunan ko sabi ng mga doktor na pinupuntahan namin.

Ang hindi ko lang matanggap ay hindi naman ako maliit na tao. Kaya kapag manliligaw ako, nag-aalinlangan akong ituloy dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

Narinig na po ba ninyo ‘yung boses ng alien sa mga pelikula? Parang ganun ang boses ko. Sayang, ang husay ko pa namang magmotor. Rider ako pero maliit ang boses.

May crush akong girl pero dinadaan ko lang muna sa porma sa fb at mga videos ko habang nagmomotor.

‘Yun lang, hindi ko alam kung papansinin niya ako sa galing kong magmotor o ma-turn-off siya sa aking maliit na boses.

Gusto ko sanang magawan pa ng paraan itong boses ko, pero parang wala na itong pag-asang magbago.

Sana po matulungan ninyo ako sa pro-blema ko. Wala pa akong gf hanggang ngayon dahil sa mala-ipis kong boses.

Jack

Dear Jack,

Huwag masyadong padala sa boses mo. Mabuti ka pa may boses, ang iba wala. Pipe. Kaya imbes na malungkot ka at magmukmok sa kulang sa iyo, pasalamat ka nakakapagsalita ka pa.

Totoong may mga babaeng mapili lalo na sa ganda ng boses. Asset ‘yun. Pero ang tunay na babaeng magmamahal sa iyo ay hindi papansinin ang boses mong maliit.

Kaya be glad and don’t be sad. Lakasan lang ng loob ‘yan. May mga lalaki nga, hindi kagwapuhan pero hindi nahihiya, matindi ang angas at malakas ang self-confidence.

Ilang taon ka na ba? Kung teenager ka pa lang, magbabago pa iyan pero kung nasa mid 20’s ka na ay dapat mo nang matutuhang tanggapin ang boses mo.

Mag-research ka rin at magtanong-tanong sa mga expert kung may magagawa pa sa iyong boses.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with