Inis sa gf dahil sa prank
(Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Terdy, idol ko kasi ‘yung basketball player.

Problema ko ang gf ko dahil sa kaka-prank niya naiinis ako sa kanya. Ilang beses na hindi siya nagpapaalam kung saan pupunta. Nakakahiya tuloy sa kanila dahil lagi ko siyang hinahanap.

Sa una, ok lang. Naisip ko baka hindi niya sinasadya. Nasa kanila ako, pero wala siya. Ang nakakainis hindi siya nagso-sorry parang wala lang.

Minsan magka-chat kami, tapos bigla na lang maglolog-out ng hindi man lang nagpapaalam. Naiinis na ako sa kanya.

Nitong huli, marami siyang pinabili sa mall dahil hindi nga siya makalabas. Namili naman ako. Pero ng ihatid ko na sa kanila ang mga ‘yun, wala siya. Nagpagupit daw.

Ang mga dahilan niya puro prank lang daw. Dahil tinitingnan lang daw niya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko siya mapagtitiyagaan.

Kaso parang nagmumukha akong tanga sa ibang tao. Ako ang bf niya, tapos naghahanapan kami.

Dapat bukod sa pamilya niya, ako ang unang nakakaalam kung nasaan siya. Sinabihan ko na siya na huwag niyang ginagawa iyon dahil naiirita ako sa kahahanap sa kanya. Sana maayos siyang kausap.

Sabihin na lang sana niya kung seryoso siya sa relasyon namin. Baka kasi gusto lang niya ng laro at magbiruan.

Terdy

Dear Terdy,

Maraming salamat sa sharing mo. Nauuso na kasi ‘yang mga prank-prank na ganyan. Kaya ang akala ng iba, ok lang.

Pero kapag wala ka sa kondisyon, talagang mapipikon ka. Mainam na mag-usap kayo at sabihin mo na hindi mo gusto ‘yung ganun, dahil seryoso kang kausap.

Pwede mo ring tanungin kung talagang seryoso siya sa relationship ninyo. Kasi sa ganun attitude, lalo na kung paulit-ulit ay hindi maganda at hindi na tama.

Kung prank siya ng prank , prankahin mo na hindi mo gets ang ganun. Pero sa maayos na usapan sana.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with