Maibabalik pa ba ang dati

(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Lady Lee. Ang akala ko wala na ang dati kong nararamdaman sa ex ko. Kaya tinanggap ko na wala na kami at ipinangako sa aking sarili na hindi muna ako magmamahal. Gusto kong makalimot at makapag-move on.

Matindi rin ang dinanas kong kalungkutan dahil sa aming break up. Aaminin kong ako ang may kasalanan. Maraming beses kong binalewala ang mga plano niya para sa aming dalawa.

Ako ang may problema, nagpadala ako sa mga advices ng mga barkada ko na baka iwanan lang ako ng bf ko kapag nakatagpo ng iba.

Duda ang nauna sa akin kaysa pagmamamahal. Inuna ko ang insecurities ko kaysa ang tanggaping may nagmamahal sa akin.

May mga nanliligaw sa’kin pero dedma lang ako. Parang bumabalik pa rin ang nararamdaman ko sa ex ko.

Gusto ko sana na makipagbalikan pero nag-aalangan akong hindi na niya akong tanggaping muli.

Akala ko, ok lang na wala na kami pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa aking kalooban. Sabi nila, hayaan ko lang daw pero kapag nag-iisa na ako, hinahanap- hanap ko siya.  Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang dati kong saya ngayong wala na siya.

Lady Lee

Dear Lady Lee,

Bakit hindi mo subukang makipag-usap sa kanya. Baka naman pwede kayong maging magkaibigang muli o baka naman pwede ninyong pag-usapan ang mga bagay na pwede ninyong balikan.

Kung kailangang magpakumbaba at aminin ang pagkukulang, bakit hindi. Mas maa-appreciate niya kung gagawin mo ‘yan.

Kailangan mong mag-exert ng effort kung tala-gang mahal mo pa rin siya para mapatunayan niyang nagkamali ka sa pagtrato mo sa inialay niyang pagmamahal.

Ngunit dapat handa ka rin tanggapin kung ano ang magiging desisyon niya.

DR. LOVE

 

 

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with