Frat initiation

(Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Blessie, 24 anyos at dalaga pa. Never po ako nagkaroon ng boyfriend dahil siguro sa aking hitsura. Kulang sa height, mataba at maitim ang kutis. Ibig sabihin, pangit.

Hanggang sa dumating sa buhay ko si Ramil na kapitbahay namin. Sobra ang kanyang kisig at nagpakita sa akin ng kabaitan. Una, naki-pagkaibigan siya sa akin. Tapos madalas kaming nag-uusap sa harap ng aming bahay hanggang papasukin ko na siya sa loob ng tahanan namin.

Payo kasi ng mama ko, hindi magandang tingnan na sa labas kami nag-uusap. Nagtapat siya ng pag-ibig sa akin. Una, nagdududa ako sa katapatan niya.

Pero sinabi niya sa akin na aanhin daw niya ang maganda kung taksil naman.

Kahit ang mama ko ay nagbabala sa akin na ingat daw ako. Hindi naman ako ilusyunada pero naramdaman kong mahal ko si Ramil. Dahil dito, sinagot ko siya at mula noon ay nagpapalitan kami ng matatamis na salita sa messenger at sa text.

Pero makalipas lang ang ilang linggo, na-shock ako sa sinabi niya at sobrang na-bad trip ako sa kanya. Dahil pinaglaruan niya lang ako.

Humingi siya ng tawad sa akin at sinabi na kaya siya nanligaw sa akin ay dahil sa utos ng kanyang fraternity master.

Hindi raw siya makakapasa sa initiation kung hindi niya ako mapapasagot. Pati ang mama ko ay nagalit at minura siya mula ulo hanggang paa.

Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love.

Blessie

Dear Blessie,

Masakit man, tapos na iyan kaya charge it to experience. Iyan ay isang uri ng initiation na ikaw ang nasaktan ng husto. Pero put that experience behind you at mag-move-on ka na.

Ipanalangin mo na lang si Ramil na maunawaan niya ang malaki niyang pagkakamali, magbagong-loob na at huwag na itong uulitin sa iba.

Sabi nga ng Salita ng Diyos, “mahalin mo ang iyong kagalit at ipanalangin mo ang mga umaapi sa iyo.

Diyos na ang bahalang gumanti para sa iyo.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with