^

Dr. Love

Ulirang tiyahin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ito na yata ang destiny ko. Ang magpaaral at magpalaki ng mga pamangkin. Feeling ko ako ang may asawa, hindi ko man maangkin. Wala kasing inisip ang kapatid kong babae kundi ang umalis ng bansa at maging maganda ang kanyang buhay.

Hayun sa kakahangad niya ng magandang buhay sa ibang bansa, ibang lalaki ang nakita niya. Imbes na maayos niya ang kanyang pamilya, kumuha pa siya ng dagdag na pro-blema. Hindi niya inisip ang epekto ng kanyang ginawa sa mga anak niya.

Ako tuloy ang nag-aasikaso sa tatlong bata na panay nasa elementary pa, isang grade one, three at grade six.

Hindi ko na sila pinaalis sa aking bahay bilang bayad puri ko na lang sa kanyang asawa. Mabait at tahimik lang ang bayaw ko.

Iniisip ko kung papayagan ko silang umalis at tumira sa ibang bahay baka lalong ma-ging masalimuot ang buhay ng aking mga pamangkin.

Mainam na natututukan ko sila. Nakikita ko kung ano ang kanilang kailangan. Lalo na’t bata pa sila at dalawa ang babae sa mga pamangkin ko.

Feeling ko, ako ang nanay pero ayoko namang patulan ang bayaw ko, para na rin sa mga pamangkin ko. Para irespeto pa rin nila ako. Tita mama nga ang tawag nila sa akin pero sinabihan ko sila na hindi nila ako mama.

Tita lang na parang mama. Komo gwapo pa naman ang bayaw ko, joke.

Alang-alang sa mga bata, isinakripisyo ko ang lahat. Mahal ko rin naman ang kapatid ko pero hindi ko pa nakitang nagpakumbaba siya at hu-mingi ng tawad kahit man lang sa kanyang mga anak.

Tere

Dear Tere,

Nakapabait mo. Natutuwa akong may mga taong tulad mo na may malasakit sa kanyang mga kamag-anak. Pwede namang pabayaan mo na lang sila at ipaubaya na lang sa kanilang ama ang lahat ng responsibilidad. Pero nakuha mo pa ring alagaan at arugain ang iyong mga pamangkin.

May pagpapalang naghihitay sa taong tulad mo. Basta huwag kang papatol sa bayaw mo.

Salamat sa iyo at sana marami pang tulad mo na may malasakit kahit na magi-ging mahirap pa para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with