^

Dr. Love

Ayaw magtapat

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Maynard, 45 anyos. Sa aking pamilya, ako ay isang ulirang asawa at ama. ‘Di mo naitatanong, sa aming komunidad ay nirerespeto ako  bilang isang taong matuwid na dapat pamarisan ng iba.

Puro kasinungalingan ang impresyong nilikha ko. Walang nakababatid sa aking pamilya at kapitbahay na ako ay may “other woman,” na inuuwian ko tuwing weekend. May sarili akong negosyo kaya sapat ang panahon ko para sa aking pamilya. Isang araw lang naman akong mawala sa piling ng asawa ko at dalawang estudyanteng anak.

Gusto ko nang magbago pero hindi ko maiwanan ang aking other woman dahil nakaupo na siya sa wheelchair magmula ng na-stroke mahigit nang isang taon ngayon.

Kung romantic relations ang pag-uusapan, wala na talagang namamagitan sa amin dahil sa kanyang kondisyon. Kaso, may responsibilidad ako sa kanya. Nagbabayad ako ng dalawang caregiver para alagaan siya araw-araw.

Ayaw kong magtapat sa aking misis dahil baka magtanim siya ng galit sa akin. Ano ang dapat kong gawin?

Maynard

Dear Maynard,

Mas mabuting ipagtapat mo ang situwasyon sa iyong asawa, tutal wala na namang romantic affair na namamagitan sa inyo ng iyong kinakasama. Pero totoo ang sinabi mo na may responsibilidad ka sa babaeng ‘yun ngayong ito’y paralitika na.

Marahil ay maunawaan ka ng iyong misis dahil sa ngayon naman ay maalaga ka at hindi nagkukulang sa iyong pamilya. Basta’t ang bigyan ng diin ay isa nang paralitika ang other woman mo at ang ginagawa mo ay isang makataong gawain na lang para sa kanya.

Walang taong hindi nagkakasala. Marahil sa iba’t ibang paraan lang, pero ang lahat ay dapat bigyan ng second chance.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with