Si Joey o si Mon?
(Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isinilang ako sa isang average na pamilya. Hindi mahirap pero hindi naman mayaman, kundi nakakaraos lang sa lahat ng pangangailangan namin. Natapos ako last year ng kursong elementary education at isa ngayong public school teacher at dalaga pa. Tawagin mo na lang akong Sonia, 21 anyos.

Sa pitong nanliligaw sa akin, may dalawa akong pinagpipilian. Si Joey ay co-teacher ko na may prospect mag-migrate sa Canada, na ordinaryo din ang buhay. Si Mon ay anak ng isang mayamang negosyante na kilalang mapagkawanggawa. Kapwa sila mabait pero higit na matimbang sa puso ko si Mon.

Nag-aalala lang ako dahil baka kung siya ang pipiliin ko, baka isipin ng tao na pera lang ang hinangad ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi salapi ang umakit sa akin kay Mon kundi ang kanyang kabaitan. Mabait din si Joey pero nakakahigit ang kabaitan ni Mon.

Si Joey ay matagal nang nanliligaw pero si Mon ay kailan lang nagsimulang manligaw sa akin. Tulungan mo akong mag-decide sa pamamagitan ng iyong payo.

Sonia

Dear Sonia,

Ipinapaalala ko lang ang sinabi mo na mas matagal mo nang kilala si Joey at si Mon ay kailan lang nanligaw sa iyo. Paano mo nasabi na mas mabait si Mon? Lahat ng nanliligaw ay ipakikita ang magandang katangian sa nililigawan para mapa-oo.

Pero ikaw lang ang makapagdedesisyon dahil tanging ikaw ang higit na nakakakilala sa dalawa mong suitor. Ang tanging payo ko, kilalanin mo pang mabuti si Mon para tiyakin kung siya nga ay mabait tulad ng iyong sinabi.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with