Umaasa pa ring maikakasal
(Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kasama kami sa hinikayat ng mga church leaders para maipakasal. Six years na rin kaming live in ng mister ko.

Isa lang ang aming anak at hindi pa nasusundan. Ilang linggo rin kaming binabalik- balikan ng mga lider. Gusto ko na ring makasal kami dahil kahit sa civil ay hindi pa kami nakakasal.

Matagal ko na siyang kinukulit. Pero marami siyang dahilan. Seremonya lang daw iyon. Ang mahalaga ay nagsasama kami ng maayos at napapalaki at napag-aaral ng maayos ang aming anak. Nagtatago siya at minsan umiinom para hindi makausap ng maayos.

Lumipas na lang ang usapin tungkol sa kasal, pero nasa puso ko pa rin ang pag-asa na makakasal din kami. Dahil hindi ko siya tatantanan.

Pero masaklap lang, nadisgrasya ang mister ko. Nadulas at balian ng spinal cord, Malabo na raw makalakad. Mistulang parusahan dahil matigas ang ulo niya. Ayaw kasi tigilan ang kakainom ng alak.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, Dr. Love umaasa pa rin ako na gagaling ang mister ko at matatamo namin ang matrimonya ng kasal.

Glo

Dear Glo,

Huwag kang mawalan ng pag-asa sa nangyari sa mister mo. May plano ang Diyos sa inyo. May awa siya, ipagdasal mo ang agarang paggaling niya. Wala naman imposible sa naghihimalang Manlilikha natin.

Tama din na huwag kang mawaan ng pag-asa. Unti-untiin mong ipaunawa sa kanya ang halaga ng pagpapakasal sa simbahan. Humingi ka rin ng tulong sa mga church lider ninyo na alalayan ka para maipadama nila ang malasakit ng simbahan sa isang pamilya.

Hangad ko ang buo at matatag na pamilya ninyo sa ilalim ng patnubay ng Maykapal. God bless.

DR. LOVE

 

 

 

 

CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with