Sinaktan ang puso
(Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Rhomar. Sabi ko noon na kahit kailan hindi ko iiyakan kung sinuman ang mahalin ko.  Pero heto ako, lugmok dahil sinaktan niya ang puso ko.

Umaasa pa rin akong babalikan niya. Sabi nga, love is like a flame, it burns you when it’s hot. Ayokong sanang siyang isuko pero anong magagawa ko kung ang taong gusto kong mahalin ay may mahal na ngang iba.

Sana maging masaya siya sa kanilang pagsasama. Para sa ex niya,  gusto kong malaman mo na iningatan at inalagaan ko ng mabuti ang taong mahal mo at nagmamahal sa iyo.

Sa aking ex na ngayon, mahal pa rin kita kahit sinaktan mo ang puso ko. Gusto ko pa sanang umasa pero huli na ang lahat.  Maraming salamat na lang sa panahon na tayo ang magkasama. I love you pa rin.

Rhomar

Dear Rhomar,

Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyang kabiguan. May mga tao ring katulad mo na umasa at nabigo. Mas mainam na magsimula kang muli. Hindi makakatulong sa iyo kung lagi mong iisipin ang nakaraan. Kung hindi siya talaga para sa iyo, let go mo na.

May makikilala kang tunay na mamahalin at tanggap ka. Ipagdasal mo sa Diyos na ibigay ang nararapat sa iyo.

Hindi nawawala ang ating halaga kung iniwan tayo ng mahal natin sa buhay. Huwag ka nang malungkot at mawalan ng pag-asa, bagkus magsimula kang muli.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with