Pinalaki sa layaw
(Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay malugod akong bumabati sa iyo at sa mga sumusubaybay sa iyong colum. Tawagin mo na lang ako Bong, 40 anyos.

Single father po ako sa anak kong babae na iniwan sa akin ng aking namatay na asawa, may sampung taon na ang nakakalipas. Nineteen years old na ang aking anak ngayon.

Mahal na mahal ko ang aking anak kaya mababa man ang pinag-aralan ko at walang pirmihang trabaho, ako po ay nanganga-lakal ng mga mapapakinabangang basura. Minsan, kung pinapalad nakaka-extra ako bilang construction worker kapag may nagpapatayo ng bahay. Kami po namang mag-ama ay nakatira sa isang barung-barong at tinatawag na iskuwater.

Puro tiis ang ginagawa ko sa aking sarili dahil ang halos lahat ng kinikita ko ay para maitaguyod ang aking kaisa-isang anak na babae na mukhang naliligaw ng landas.

Kababae niyang tao ay laging barkada ang inaatupag.  Kamakailan, nalaman kong nakikipag-date na siya sa kanyang boyfriend na tambay sa aming komunidad.

Hindi ko na siya makontrol at kapag sinisita ko siya, sumasagot siya nang pabalang.

Ano ang dapat kong gawin?

Bong

Dear Bong,

Sa palagay ko, masyado mong pinalaki sa layaw ang iyong anak kaya hindi niya nakikita ang malaking sakripisyong ginagawa mo para sa kanya. Lumaki siyang walang galang dahil na rin sa iyong kapabayaan.

Minsan, inaakala ng magulang na ang pagbibigay ng lahat ng gusto ng kanilang anak ay pagmamahal. Maling mali!

Dapat, simula pa lang sa pagkabata ay hubugin na sa magandang asal ang isang bata dahil paglaki niya, ang mabuting katangian ay kaniyang tataglayin.

Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Kausapin mo ang iyong anak at mula sa araw na ito ay simulan mo na ang pagdidisiplina sa kanya.

Dr. Love

 

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with