Na-love at first sight
(Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Pinangangaralan ako ng aking mga magulang, pati na ng aking mga kaibigan dahil umibig ako sa lalaki na hindi ko pa nakikilala ang buong pagkatao.

Last month ko pa lang nakilala si Herman. Isa siyang delivery crew ng kilalang fast food chain na naghatid sa akin ng inorder kong pizza pie. Sa unang pagkikita namin ay nginitian niya ako at nakipagkilala. Kinuha ang phone number ko at mula noon, madalas kaming nag-uusap sa text.  Madalas din niya akong dinadalhan ng paborito kong pizza kahit hindi naman ako umo-order. Within two weeks, na-ging kami na.

Sa bahay lang niya ako pinupuntahan, hindi kami makapag-date dahil bawal pa ang lumabas para mamasyal. Nang malaman ng mga parent ko na sinagot ko na si Herman, pinangaralan nila ako.

Kahit ang mga kaibigan ko ay pinagsasabihan ako na kilalanin ko muna siyang mabuti. Pero pareho talaga kaming na-love at first sight ni Herman at kapag binibisita niya ako ay pinag-uusapan na namin ang aming future.

17 years old na ako at siya ay 20 na. Anang mga parent ko, maging magkaibigan na lang kami at huwag munang magkaroon ng rela-syon. Kilalanin ko muna siya ng mabuti.

Tama ba ang payo nila?

Maricris

Dear Maricris,

Tama ang payo nila at iyan din ang sa-sabihin ko sa iyo. Kilalanin mo muna siyang mabuti. Ang nararamdaman mo ay hindi love at first sight, kundi attraction at first sight lang. Normal iyan, lalo na sa mga teenager na gaya mo. Pero hindi nangangahulugan na porke’t normal ay tama na ang iyong ginagawa.

Kailangan mo pa rin ang paggabay ng iyong mga magulang dahil wala ka pa sa age of accountability.  Ang boyfriend mo ay nasa tamang gulang na. Alam mo ba na kung may malalim na namagitan sa inyong dalawa, kahit pa nagpaubaya ka ay magiging liable siya sa statutory rape dahil ikaw ay isang minor de edad?

Manatili kayong magkaibigan. Mabuti nga at bawal pang lumabas dahil kung hindi, baka kung saan na kayo napunta ng boyfriend mo. Salamat sa COVID pandemic. Isa pa, seventeen ka pa lang at napakabata mo pa para malaman ang pagpasok sa reponsableng relasyon. Sa paglipas ng panahon ay pwedeng magbago ang nararamdaman at desisyon mo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with