Iturin gaya ng basahan
(Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko dahil para akong basahan na basta na lang dinispatsa ng girlfriend ko.

Sana sinabi na lang niya na hindi na niya ako mahal. Kasi umaasa pa rin akong kami pa pero hindi na pala.  Nagulat na lang ako na iba na ang nasa cover photo niya. Iba na rin ang nasa profile niya.

Ang bilis naman magpalit, ginawa niya akong parang damit na kapag ayaw ay basta mo na lang ihahagis at papalitan. Mabuti kung gaya lang ng damit lang ang feeling ko sa ginawa niya.

Para akong disenteng polo shirt na noong una ay gustung-gusto niyang bilhin. Kahit mahal dahil nahulog ang attention mo sa akin.

Pero ngayon gaya na ako ng isang basahan. Wala na ang dating kinang at tingkad ng kulay.

Siya na ba ang bago mong gustong isuot at ipagmalaki ngayon? Sana noong una pa nalaman kong mahilig ka lang palang mag-display ng bf. Kung tinuring mo ako ngayon ay gaya ng isang basahan.

Ang tingin ko naman sa’yo ay isang lobo dapat ko ng pakawalan, dahil gusto pa rin lumipad at abutin ang mga nais marating.

Pero tandaan mo ito, hindi sa lahat ng oras ay lumilipad ang lobo paitaas. Dahil kapag nawala na ang helium nito, tiyak na unti-unti ng baba at babagsak mula sa langit.

‘Yung lang po, nailabas ko na ang sama ng loob ko sa ex-gf ko. Kaya kapag nakakita ako uli ng lobo, hindi ko na bibilhin, sayang ang pera ko.

Rambi

Dear Rambi,

Magkano na ba lobo ngayon?  Tala-gang sobra ang galit mo sa ex-gf mo.

Nag-usap na ba kayo uli simula ng huli kayong nagkita?  Hindi magiging panatag ang loob mo kung hindi mo titigilan ang pag-iisip tungkol sa iyong nararamdaman.

Try to focus yourself sa ibang mga pwede mong pagkaabalahan.

Sobrang baba naman ang tingin mo sa iyong sarili, isang basahan. Kahit basahan ay may pakinabang, pero huwag mo namang hayaan na ganon kababa ang tingin ng ex-gf mo sa iyo.

Marami ka pang babae na makikilala at maaari ka ring makatagpo ng isang babaeng tunay na magmamahal sa iyo.

Mainam na ipag-pray mo rin na may isang babae na hindi ka ituturin na isang polo shirt o itatrato na gaya ng basahan. Pwede naman na isang face mask na lang na makakapagbigay ng proteksiyon.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with