^

Dr. Love

Sana all, may anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Cely tubong Batangas. Talagang hindi kami magka-anak. Ilang beses na kami nagpa-check up sa iba’t ibang doktor, mababa nga daw ang matres ko at mahina ang kapit ng bata.

Ganun din ang sa mister ko, hindi makabuo ang kanyang similya. 21 years na rin kaming nagsasama. Umaasang magkakaanak, pero hindi talaga kami nabiyayaan.

Mabuti at mabait ang aking mister. Hindi ko nakita sa kanya ang panghihinayang at paninisi, bagkus siya pa ang nagpapaalala sa akin na huwag akong padadala sa aming situwasyon.

Sinubukan naming mag-ampon pero binawi rin ng kanyang magulang ang bata nang makapagtapos ng grade six.  Sa maikling panahon, pinaranas sa amin ni Lord kung paano ang pagpapalaki ng isang anak. Ngunit hindi pa rin ganoon kapanatag ang aking loob dahil nga sa pangambang baka kunin uli ng tunay na nanay ang bata.

Tinuring naming tunay na anak ang bata pero hindi ganun ang katotohanan. Mahal kami ng anak-anakan namin. Pero kailangan naming ibalik ang bata ayon sa desisyon ng lupon ng barangay.

Laking luha at sakit sa aking kalooban. Pumupunta pa rin sila minsan para kami ay kumustahin. Hindi rin mapakali ang bata kung hindi kami nakikita sa loob ng isang buwan.

Simula nang kunin sa amin ang bata, hindi na kami nagtangka na muling mag-ampon. Ngayon po, sana nga ay may gustong magpaampon ng kanyang anak sa amin, pero ayaw ko na muna. Baka kunin na naman sa amin uli.

Cely

Dear Cely,

Maraming salamat sa pinadala mong email. Ganoon talaga, hindi natin alam ang plano ng Diyos. Kung bata pa naman kayo ay patuloy kayong kumunsulta sa mga espesyalistang doktor. Baka magawan pa ng paraan.

Kung hindi na talaga pwede kayong magkaanak, mainam na tanggapin ninyo ng may bukas na kalooban at pagpapakumbaba sa Maykapal ang inyong situwasyon.

Matuto kayong magpatawad. Siguro ay nanghihinayang din ang nagpaampon sa inyo ng kanyang anak. Tulad ninyo, mahirap ang mawalay o ang walang anak.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with