True love never dies
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mauro, 26 anyos. May girlfriend ako at tatlong taon na kami. Tawagin mo na lang siyang Aimee. Mula sa pagkabata ay magkaibigan na kami at nang matapos kami ng college ay niligawan ko siya. Naging “kami”.

Masasabi mo marahil na ang aming pag-iibigan ay tunay na hinubog ng panahon at hindi kayang buwagin kahit ng ano mang kalamidad.

Ngunit dumating sa amin ang isang matin-ding pagsubok. Nagkaroon siya ng isang pambihirang karamdaman na unti-unting sumisira sa nervous system ng tao. Multiple sclerosis ang tawag dito. Nag-umpisa ito nang maramdaman niyang hindi niya maigalaw ang kanyang daliri.

Sabi ng doktor, unti-unting ginagawang baldado ng sakit na ito ang tao. Sa katagalan ay maaaring hindi na makapagsalita ang tao at hindi na makakapaglakad hanggang bawian ng buhay.

Gusto ni Aimee na humanap na ako ng ibang mamahalin dahil magiging pasanin ko raw siya pagdating ng araw. Pero tumanggi ako sa kabila ng kanyang pagpupumilit. Mahal daw niya ako at ayaw niyang magdusa ako.

Naging masungit si Aimee at kung dina-dalaw ko ay wala siyang bukambibig kundi ang ayaw na niya akong makita. Ano ang gagawin ko?

Mauro

Dear Mauro,

Si Aimee ay nasa yugto pa na hindi niya matanggap ang kanyang kalagayan. Huwag mo siyang susukuan. Hinahangaan kita sa katapatan ng iyong pag-ibig sa kanya.

Walang lunas ang sakit na iyan pero may mga gamot para mapabagal ang progreso nito at mabuhay ng normal ang isang tao sa matagal na panahon. Proper management ang kailangan diyan.

Pero manalangin ka dahil ang Diyos ay gumagawa ng himala. Marami nang mga karamdamang walang lunas ang napagaling ng taimtim na panalangin. May dalawa akong kakilala na dinapuan ng sakit na iyan. Ang una ay sumakabilang-buhay matapos ang mara-ming taong pakikibaka sa sakit. Ang panga-lawa ay maayos ang management na isinasagawa kaya nabubuhay pa ng normal sa kabila ng maraming taong taglay niya ang karamdaman.

Huwag mawalan ng pag-asa at magsilbi kang inspirasyon sa inyong girlfriend para mabuhay ang kanyang determinasyon na malampasan ang kanyang krisis.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with