Ngayong ganap ka nang dalaga
(Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nakaalala ng 18th birthday ko. Akala ko talaga hindi magiging masaya ang aking debut. Kasi nga may pandemic pa. Kinakabahan na ako habang paparating ang araw ng birthday ko.

Noong una, parang suko na ako. Magkikimkim na lang ako ng sama ng loob kung bakit natapat pa sa ganitong sitwasyon ang aking 18th bday.

Maraming salamat dahil tinulungan ako ng ate ko at mga pinsan ko na matuloy ang simpleng debut party ko.

Kumpleto naman ang lahat ng program,‘yun lang…kami-kami na lang din ang nag eighteen roses, eighteen dance… lahat ng eighteen.Kaso sasampu kami kasama pa ang dalawang bata.

Salamat sa parents ko dahil kahit sa simpleng party ay sumuporta sila. Sa lahat din po ng mga bumati sa akin online parang kasama ko rin sila.

Lalo akong naging masaya nang bigla na lang may nag-deliver ng boundle of roses as in ang dami. Galing sa bf ko. Biruin mo ‘yun galing pa sa sulok ng Tarlac.  Nakuha niyang magpadala ng maraming bulaklak.

Miss ko nga siya, dapat isasayaw niya ako kung narito siya pero ok na rin dahil roses lang sapat na.

Kahit simpleng debut pero memorable pa rin sa akin, dahil alam kong may mga taong nagmamahal sa akin. ‘Yun lang po salamat din po, Dr. Love sa padala ninyong message sa fb ko.

Jenny

Dear Jenny,

Sishin mo ang tatay mo kung bakit 2002 ka ipinanganak, hayan naabutan ka tuloy ng pandemic. Biro lang! Hindi naman natin lahat alam na darating ‘yang virus na ‘yan.

Anyway, mainam na na-appreciate mo ang effort ng mga mahal mo sa buhay. Talagang hindi naman kailangan na magarbo ang celebration ng 18th birthday. Ang mahalaga, masaya ka at magpasalamat ka sa Maykapal sa buhay na kaloob niya sa iyo.

Don’t forget to go to church.

Ngayong dalaga ka na, hindi ibig sabihin na lahat ng gusto mo magagawa mo na.Hangga’t wala ka pang asawa, sila mama at papa mo pa rin ang priority mo.

Bilib ako sa bf mo. Kahit malayo, malapit pa rin ang puso niya sa iyo. Smile and always be safe.

DR. LOVE

BIRTHDAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with